16

MAY 2022

Impossible Battles

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi n’yo na kailangang makipaglaban pa.”

Exodo 14:14 (Ang Salita ng Dios)

Pumunta ka sa kusina for a quick snack. Binuksan mo ang ref para kunin ang gusto mo, pero nang isara mo ito, naibangga mo ang pinto sa siko mo. Instinct mo bang hampasin ang pinto ng ref para makaganti kahit paano? It’s silly and worst, it’s futile. Hindi nito mabubura ang pain na nararamdaman mo. At ano ba ang maa-achieve mo sa pagganti sa isang inanimate object? Wala naman, ‘di ba?

But then, maybe you have so much pain, anger, or frustration that you need to lash out para mailabas ang negative emotions na dala-dala mo. Baka ginagawa mo ang lahat para makabangon financially, pero saka ka naman nawalan ng trabaho. Sinusubukan mong ayusin ang damaged relationship mo sa isang kamag-anak o kaibigan, pero ikaw pa ang lumalabas na masama. Lumalaban ka, pero ngayon pa lang, feeling mo, there’s no chance that you’ll emerge out of this situation as a winner.

Malamang na ganito rin ang pakiramdam ng Israelites noong panahon ni Moses. Ilang daang taon silang nanirahan sa Egypt bilang mga alipin. It took ten plagues bago pumayag ang pharaoh na palayain sila, pero nagbago ang isip nito’t hinabol sila. They thought they were trapped but instead, God parted the Red Sea so that they could escape.

Tulad nila, we can find comfort in God’s Word. We live in a sinful and broken world kaya garantisadong magkakaroon at magkakaroon tayo ng problema. But as believers, meron tayong mga mapanghahawakan:

 

  1. Kapag pakiramdam natin na mag-isa tayo, the Lord listens to our concerns. Ililigtas Niya tayo sa kapahamakan (Awit 34:17).
  2. Kapag napapagod na tayo, ang Diyos ang magbibigay sa atin ng lakas na ating kailangan (Isaias 41:10).
  3. Kapag gulong-gulo ang isip natin, we can rest in God’s assurance that He is in control (Juan 16:33).
Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, pagod na akong lumaban. Pero alam kong hindi Ninyo ako iniwan. You are a promise-keeping God. Itatawid Ninyo ako mula sa pinagdadaanan ko ngayon.

APPLICATION

Basahin ang Awit 34:17; Isaias 41:10; at Juan 16:33. Piliin kung alin sa mga ito alin sa mga ito ang pinaka-relatable sa iyo ngayon at gamitin ito sa prayer time mo sa araw na ito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 7 =