15

MAY 2022

The Bleeding Woman

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Michellan Alagao

Kabilang sa mga ito ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling ninuman. Naubos na ang kanyang kabuhayan dahil sa pagpapagamot. Lumapit siya sa likuran ni Jesus at hinawakan ang laylayan ng damit nito. Noon di’y tumigil ang kanyang pagdurugo. Nagtanong si Jesus, “Sino ang humawak sa damit ko?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Panginoon, napapaligiran po kayo at sinisiksik ng mga tao!” Ngunit sinabi ni Jesus, “May humawak sa damit ko! Naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.” Nang malaman ng babae na hindi pala maililihim ang kanyang ginawa, siya’y nanginginig na lumapit at nagpatirapa sa paanan ni Jesus. Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng naroon kung bakit niya hinawakan ang damit ni Jesus, at kung paanong siya’y agad na gumaling.

Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Makakauwi ka na.”

Lucas 8:43–48

Ang bleeding na tuloy-tuloy indicates a serious illness or condition. Ito ay nakakapanghina, at maaari rin itong ikamatay. Kaya mai-imagine natin ang pinagdaanan ng bleeding woman. Twelve years niyang dinala ang sakit na ito, at naubos ang kanyang kabuhayan sa pagpapagamot na walang bisa. Malamang na itinuring din siyang “unclean” batay sa tradisyon ng mga Hudyo, so hindi natin alam kung siya ay nakapangasawa o nag-iisa lamang sa kanyang buhay. Napakahirap siguro noon!

Pwede itong i-compare sa faith journey ng maraming believers. Sa pamamagitan ng mahirap na pagsubok o sitwasyon, makikita natin ang hangganan ng kakayahan at kayamanan natin, at magkakaroon tayo ng opportunity upang makilala si Jesus bilang Healer at Deliverer.

Nasa nature ni Jesus ang magbigay ng healing (Matthew 15:30) at sa kwentong ito, ang power Niya ay kusang umaagos tungo sa sinumang nagtitiwala nang lubos sa Kanya. Ito ang level ng faith na “sana all” ay meron. Ngunit paano natin ito maa-achieve? Kailangan ba nating maging “clean” at “holy”? Tingnan natin ang example ng bleeding woman.

Sa kanyang paghihirap, nagkaroon ang babaeng ito ng tiyaga, at sa tiyagang iyon ay na-develop ang kanyang character. At mula sa katatagan ng character, nagkaroon siya ng pag-asa (Romans 5:3–4). Ang pag-asa ay mahalagang bahagi ng faith (Hebrews 11:1).

Hindi natin alam ang kabuuan ng experiences niya, ngunit malamang na ang lahat ng iyon ay naging bahagi ng kanyang spiritual journey, leading up to her encounter with Jesus. Makikita natin ang kanyang perseverance sa kanyang pakikipagsiksikan sa napakaraming tao.

Ikaw ba ay nahihiya sa Panginoon o sa ibang tao dahil sa sobrang tagal na ng pinagdadaanan mong sakit o hirap? O baka ang tingin sa iyo ng iba ay “unclean”? Lumapit lang kay Lord at kumapit sa laylayan ng Kanyang damit.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, gusto kong mapalapit sa Iyo at maranasan ang Iyong healing. Lunasan Ninyo po ang anumang sugat na nagdurugo sa aking buhay.

APPLICATION

Kapag nanghihina at parang walang lakas, remember the bleeding woman. Kahit isang maiksing prayer lamang, o isang worship song na galing sa puso ay naririnig ng Panginoon. You can reach out to Him.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 11 =