15
JANUARY 2024
Ingat sa Pagtawid
May mga safety sign to keep us safe on the road and in the workplace. Today’s brand new series will remind us that God wants us to be safe not just temporarily while we are on the road, but for eternity. Welcome to our series “Safety Signs.”
Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya’y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.
2 Mga Taga-Corinto 5:21
Imagine a pedestrian who is crossing the street. Busy siya sa kaka-scroll sa social media feed niya at nakasuot ng headphones, listening to music on his phone. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Nasa pedestrian lane naman siya kaya confident siya na titigil ang mga sasakyan para sa kanya. Ang problema, hindi lahat ng driver ay nakatutok sa daan. Merong isang na-distract at hindi siya nakita. Nai-imagine mo ba ang susunod na mangyayari?
Kung pelikula ito, merong isang superhero na biglang lalabas mula sa langit at dadagitin itong ating pedestrian mula sa tiyak na kapahamakan. Think Spiderman or Superman.
Pero in real life, siguradong napahamak na ang ating pedestrian. Siguradong magiging laman na siya ng news. Wala naman kasing nilalang na may superpowers na puwedeng magligtas sa kanya.
Pagdating sa ating spiritual life, tiyak na kapahamakan din ang naghihintay sa atin kung hindi nagkaroon ng plano ang ating Diyos na iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Kapag wala tayong personal relationship with Jesus, habang-buhay na pagkahiwalay sa Diyos ang magiging future natin.
Dini-distract tayo ni Satanas ng maraming pagkakaabalahan tulad ng social media, gadgets, at iba pang cares in this world. Ito ang isa sa nagiging dahilan para hindi natin makita ang tunay na plano at ginawa ni God: na ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Jesus upang maibalik tayo sa original na disenyo Niya para sa atin — ang makapiling Siya sa buhay na walang hanggan.
Kaya kaibigan, huwag tumulad sa ating pedestrian. Be careful and alert dahil ang demonyo ay nag-aabang kung papaano ka niya mapapanatili sa kasalanan. Mahal ka ni Lord at ayaw ka Niyang mapahamak. Ibinigay Niya si Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas. Ingat sa pagtawid.
We hope you’ll continue to tune in tomorrow for our short series “Safety Signs.”Ingat!
LET’S PRAY
APPLICATION
Laging magbasa ng Bible para malaman mo ang mga pangako ng Panginoon para sa iyo. Mag-install ka ng mga Bible apps tulad ng YouVersion at mag-subscribe sa isang daily Bible reading plan.