16

JANUARY 2024

KKK (Kitang-Kita Ka!)

by | 202401, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Mari Kaimo & Written by Thelma A. Alngog

Welcome back to our series “Safety Signs.

Walang makapagtatago sa akin; makikita ko siya kahit saan siya pumunta. Sapagkat akoy nasa lahat ng lugar sa langit at sa lupa.

Jeremias 23:24

Ang Marilaque Highway ay popular sa riders who want to get a thrill from driving the Devil’s Corner. Madalas dito ang sakuna, at marami na nga ang namatay. Ayon sa riders, challenging daw ang corner na ito kasi magandang mag-banking ng motor while speeding. Sa katunayan, may makikita kang posts tungkol dito sa social media. Alam ba ninyo na may CCTV at dash cam na spotted dito? Kung isa ka sa thrill seekers, kitang-kita ka!

May mag-asawa na nagpost sa social media ng kanilang picture habang nag-bebreakfast. They did this bago pumunta sa Marilaque Highway. Sadly, iyon na pala ang huling picture nila together dahil naaksidente at namatay sila while driving through the dangerous curve.

Ang knowledge sa atin ng Diyos ay daig pa ang monitoring ng CCTV. Kahit saang sulok, walang lugar o pangyayari na hindi alam ng Diyos. Sabi sa aklat ng Jeremias 23:24, Walang makapagtatago sa akin; makikita ko siya kahit saan siya pumunta. Sapagkat akoy nasa lahat ng lugar sa langit at sa lupa.” Kapatid, kitang-kita ka Niya. May struggles ka ba sa buhay o hidden sins? Psalm 90:8 (GNT) says, “You place our sins before you, our secret sins where you can see them.”

Tanungin kita, nasaang zone ka na ba ngayon? Nasa danger zone o safe zone? Bago ka pa mapahamak, turn your sins to God. There is no need for you to go through danger to experience the thrill of living. Instead, you can find your joy in Him.

Remember, ayaw ni Lord na mapahamak ka. So lets always listen to Him and follow Him as He leads us to the right path. Join us again tomorrow for the last part of our series “Safety Signs.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, hayaan po Ninyo na laging maisapuso ko na nasa lahat ng dako Kayo at nakikita ako anuman ang mangyari. Tulungan Ninyo akong magtiwala nang lubusan sa Inyo at hindi sa aking sariling kakayahan lamang. I pray this in Jesus name. Amen.

APPLICATION

Sa bawat corner na ating lilikuan at sa bawat corner ng buhay natin, laging isipin na nandoon ang Diyos. Share this devotion and bless someone today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 11 =