5

MAY 2024

Kay Cristo, Panalo!

by | 202405, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Bhuboy Pioquinto

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

Mga Taga-Roma 8:31–32

All of us want a victorious life, kaya lahat ng hirap at sakripisyo ay gagawin at titiisin natin para sa minimithing tagumpay. Sino nga ba naman ang gustong maging talunan? Wala.

Sabi ng mga post sa social media, “Panalo ka kung marami kang pera,” “Panalo ka kung may maganda o guwapo kang jowa,” “Panalo ka kung sikat ka,” “Panalo ka kung marami kang kaibigan o kuneksyon,” “Panalo ka kung matalino ka.”

Bagama’t wala namang masama sa mga bagay na ito, hindi ito ang dapat na maging batayan ng ating tagumpay sa buhay simply because they are bound to fail us. Ang yaman nauubos, ang ganda kumukupas, ang kasikatan nalalaos, at ang mga kaibigan puwede kang iwan. Multi-awarded comedian actor Jim Carey said, “I think everybody should get rich and famous and do everything they ever dreamed of so they can see that it’s not the answer.”

The Lord warned us in Psalm 20:7–8 (ESV) “Some trust in chariots and some in horses, but we trust in the name of the Lord our God. They collapse and fall, but we rise and stand upright.” God wants us to absolutely put our confidence in Him and not to lean on our strength as we face our battles in life.

Life is a fierce battleground. Kaliwa’t kanan ang ating pakikipag-laban sa mundong ito, pero di tayo dapat matakot dahil hindi natin kailangang lumabang mag-isa, kasama natin si Jesus na nagsabing “Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” Si Jesus ang pinakamakapangyarihang kakampi sa lahat ng laban dahil kahit minsan wala pa Siyang talo. Kaya kung Siya ay panig sa atin, sinong makakalaban sa atin? (Mga Taga-Roma 8:32)

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, thank You for always being with me as I face various trials in life. Salamat po at hindi ko ito kailangang harapin nang mag-isa, nariyan Ka upang ako’y palakasin at tulungan. Amen

APPLICATION

Assess yourself and ask this question: Do I really trust God or do I trust in someone or something else?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 15 =