10
MAY 2025
Jochebed: Tag Team Tayo, Lord

Hanggang saan ang gagawin mong pagtitiis para sa iyong anak?Tunghayan natin ang ginawa ni Jochebed para maligtas ang kanyang sanggol na anak at kung paano kumilos ang kamay ng Panginoon sa kanilang sitwasyon. Welcome back to our series “Great Mothers of the Bible.”
Nang hindi na siya maaaring itago pa, kumuha ang kanyang ina ng isang basket na yari sa tangkay ng tambo at pinahiran ng alkitran upang hindi pasukin ng tubig. Pagkatapos, inilagay niya rito ang sanggol at inilagay sa talahiban sa may pampang ng ilog.
Exodo 2:3
Noong ipinanganak ni Jochebed si Moses, may utos ang Pharaoh na itapon ang mga bagong silang na sanggol na lalaki sa ilog. Natakot siyang ma-outnumber ng mga malalakas na Israelites. Kaya gumawa si Jochebed ng reed basket para maligtas ang kanyang anak. Hindi sigurado kung magwo-work ang strategy na ito, pero sigurado siya na hindi pababayaan ni Lord ang anak niya.
Pinaagos nga ni Lord ang basket sa bahagi ng ilog kung saan maliligo ang Egyptian princess. Nang makita ng princess ang sanggol sa loob ng basket, naawa siya rito kaya kinuha niya ito. Pero hindi pa tapos si Lord dahil may bonus pa Siya kay Jochebed. The Lord honored Jochebed’s effort to save her baby and allowed her to nurse and care for baby Moses — with pay (Exodus 2:5–10). Na-witness ni Jochebed at ng kanyang buong pamilya na best partner talaga si Lord sa pag-solve ng problema.
Soloista ka ba pag may problema ka? ‘Yung ikaw lang ang mag-iisip ng solutions tapos ikaw din mage-execute? Nakakapagod din ang ganitong sistema, kapatid, kasi pasan mo ang lahat. The truth is, you can do only so much because you are limited. But God is limitless. He can turn the worst situation into a glorious one.
The Lord waits for you to tag Him when you are confused and exhausted. He extends His arm to you so you can rest, and He will do the rest.
Join us again tomorrow as we look into the story of Hagar; bahagi pa rin ng ating series na “Great Mothers of the Bible.” Mga nanay, don’t miss it!
LET’S PRAY
Lord, I feel alone. It’s hard to rely on people because they always disappoint. But You, Lord, are trustworthy. I need Your presence in my life in good and bad times. I turn my heart to You so I can partner with You all the days of my life. Amen.
APPLICATION
Gusto mo bang malaman kung paanong tunay na maging partner si Lord sa buhay mo? I-click mo lang ang chat icon sa upper right hand corner ng app at may sasagot agad sa tanong mo.
SHARE THIS QUOTE
