9
MAY 2025
Sino ba Talaga ang Proverbs 31 Woman?

Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang katapatan.
Mga Kawikaan 31:26
“Mars, pagod na pagod na ako. Hindi ko na talaga kaya. Wala na akong tigil sa paggawa at hindi na halos ako nagpapahinga. I just want to be a Proverbs 31 woman but it is so hard. I am so tired and discouraged.”
May naisip ka na bang ganito? Or have you heard a female friend say something like this? Familiar ang marami sa atin sa Proverbs 31, kung saan nakalista ang maraming magaganda at mabuting character traits para sa isang babae o mabuting asawa. Pero sino ba talaga ang Proverbs 31 woman? Is she even real?
Many Bible experts agree na ang Proverbs 31 woman ay isang personification o paglalarawan ni “Lady Wisdom” at hindi totoong tao. Throughout the whole book of Proverbs, binabalik-balikan ang idea ng wisdom at kino-compare ito sa isang mabuting asawa o babae.
Ang Proverbs 31 ay hindi dapat maging burden sa atin. Kung ikaw ay babae, ang chapter na ito ay hindi dapat maging basehan para sa iyong pagkatao. Sa mga lalaki, ang chapter na ito ay hindi dapat i-impose sa iyong asawa o magiging asawa. Proverbs 31 is actually an encouragement for everyone to seek wisdom and be so close to her (sobrang close, parang sa mag-asawa) to the point that “she” feeds you and brings you wealth. In short, ang taong may wisdom ay hindi magugutom at kayang kumita ng pera sa maayos na paraan. And ultimately, having godly wisdom means we have Jesus, “the wisdom of God” (1 Corinthians 1:24, NIV).
Imbes na piliting maging Proverbs 31 woman o para sa lalaki, na makahanap ng Proverbs 31 woman, let’s do something better: let’s all seek to be Christ-like because Christ is our ultimate standard.
LET’S PRAY
Heavenly Father, help me to be more like Jesus, the Only and True standard for all believers.
APPLICATION
Basahin ulit ang Proverbs 31 but this time, palitan mo ang “she” (kung English) ng “wisdom” when you read. What is the Holy Spirit revealing to you sa iyong pagbabasa?
SHARE THIS QUOTE
