23

JUNE 2024

Kabutihan sa Gitna ng Kaguluhan

by | 202406, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written Honeylet Adajar-Velves

Si Yahweh ay napakabuti; matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Mga nanalig sa kanya’y kanyang inaalagaan.

Nahum 1:7

Buo at healthy na pamilya, stable na income, bagong bahay at kotse, maayos na relasyon sa pamilya at kaibigan — ilan lang ang mga ito sa blessings na mapapasabi tayong God is good talaga! Pero paano when things seem to be falling out of place, maituturing pa kayang mabuti si God?

Ganito ang naranasan ni Rachelle. Maituturing na meron na siyang perfect life not until tamaan siya ng sakit. Tuwing umiihi siya, may kasamang maraming dugo sa kanyang ihi. Dahil takot pumunta sa ospital, hindi siya nagpa-check-up. Her job got affected by this. Bunga ng poor performance, hindi na niya nakukuha ang incentives na dati niyang natatanggap. Nagsimula na rin siyang humiram ng pera sa mga kaibigan kaya eventually iniwasan siya ng mga ito.

Then this word of God spoke to her: “The Lord is good, a refuge in times of trouble.” (Nahum 1:7, NIV). She was reminded that she is still breathing, and God is good. As she started seeing the goodness of God in the little things, she saw Him working in the midst of her challenges.

Isang kaibigang doktor ang ginamit ni God para ma-check ang kondisyon ni Rachelle without going to the hospital. She learned it was a severe case of UTI na kayang daanin sa gamot. Gumandang muli ang performance niya sa trabaho. By God’s favor ay na-promote siya. Nabayaran din niya ang mga hiniram sa mga kaibigan. Dito niya mas nakita, despite the difficult circumstances, God is good.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat po sa kabutihan at katapatan Ninyo sa buhay ko. Even when things are tough, doon Ninyo mas lalong ipinapakita na buhay Kayong Diyos na hindi ako iniiwan at pinapabayaan. Tulungan Ninyo ako sa challenges ko today. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Mag-isip ng isang bagay kung paano naging mabuti si God sa iyo today at i-post ito sa iyong social media. You can also share this devotion para mas marami pang ma-remind at ma-encourage na mabuti ang Panginoon.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 12 =