3
JULY 2026
Kagalakan sa Gitna ng Kalungkutan
Naka-move on na ba ang lahat? Gumaling na ang iba, masaya na sila. Pero meron sa atin ang naiwan pa ring malungkot at umiiyak. How do you heal such a broken heart? Alamin sa last part of our series, “Healer of Broken Hearts.”
Nagsalita ka sa akin, at pinakinggan kitang mabuti. Ang mga salita mo’y aking kagalakan. Ako’y sa iyo, Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Jeremias 15:16
“Ang hirap namang mag-pastor! Ang hirap maging lingkod ng Diyos!”
Nasabi mo na ba ito o may narinig ka nang nagsabi nito sa tindi ng hirap na pinagdadaanan sa ministry? Si Jeremiah ay naging prophet from 627 BC hanggang 586 BC. Humigit-kumulang 40 years. At sa loob ng panahong iyon, madalas, iyak siya nang iyak.
Bata pa si Jeremiah nang tawagin siya ng Diyos para maging mouthpiece Niya (Jeremiah 1:4–7). Sinabi ng Diyos na ihanda niya ang kanyang sarili dahil hindi magiging madali ang kanyang duty. Pero nangako ang Diyos na sasamahan siya, tutulungan, at palalakasin (Jeremiah 1:17–19). Kaya kahit matigas ang ulo ng mga taga-Judah at patuloy sila sa pagkakasala, hindi tumigil sa pagbibigay ng warning ang propeta. Pero hindi rin siya tumigil sa pagdadalamhati; malalim ang kalungkutan niya dahil alam niyang babagsak ang kanilang bayan kung hindi sila magsisisi. Kalaunan, ganoon nga ang nangyari.
Kung ikaw nga naman si Jeremiah, paano mo pahuhupain ang galit sa kasalanan habang puno rin ang puso mo ng awa sa iyong mga kababayan? Paano ka mananatiling tapat na naglilingkod sa Diyos kung ang mga taong sinabi Niyang paglingkuran mo ay kaaway mo, ayaw makinig sa iyo? Nakakagalit, ‘di ba, nakakaiyak!
Tanging ang mga salita ng Diyos ang nagbigay ng comfort kay Jeremiah. Nangako ang Diyos na darating ang panahon na hindi na magiging bato ang puso ng Kanyang bayan; magiging masunurin na ang mga ito sa Kanyang kalooban (Jeremiah 31:31–34). God was giving Jeremiah a glimpse of the new covenant He will make with His people when Christ comes to earth. Susunod na ang mga tao hindi dahil may nakasulat na kautusan, kundi dahil magiging bukal ito sa puso nila. And God’s grace, through His Son Jesus Christ, will make this happen.
Thank you for joining us in our series, “Healer of Broken Hearts.” We trust that you will allow God to speak to you and comfort your heart. Jesus, after all, is the Healer of our broken hearts.
LET’S PRAY
Panginoon, nabibigatan man ako minsan, pero pinupuri ko Kayo dahil pinapagaan Ninyo ang aking kalooban sa pamamagitan ng Inyong mga pangako. Thank You that I can continue to serve You by Your grace and for Your glory.
APPLICATION
Pray for pastors, missionaries, and others who are serving the Lord. Speak God’s blessings over their lives, families, and ministries.
SHARE THIS QUOTE
