2

JULY 2026

From Surrogate Mother to Submissive Maid

by | 202607, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Marlene Legaspi-Munar

Kumusta ang puso mo? Kung masama ang loob mo o pinanghihinaan ka ng loob, halika, makinig tayo sa second part ng ating series na “Healer of Broken Hearts.”

Kaya’t nasabi ni Hagar sa sarili, “Talaga bang nakita ko rito ang Diyos na nakakakita sa akin at hanggang ngayo’y buháy pa rin ako?” Kaya’t tinawag niya si Yahweh nang ganito: “Ikaw ang Diyos na Nakakakita.”

Genesis 16:13

Tuliro si Hagar. Hindi naman niya ito ginusto. Bilang alipin ng amo niyang si Sarai, sumunod lang siya sa kagustuhan nito na sipingan siya ni Abram para magkaroon sila ng anak (Genesis 16:1-2). Kumbaga, gusto siyang gawing surrogate mother. Nangyari naman ang gusto ni amo: nagdalang-tao nga siya. Bakit ngayon ay pinagmamalupitan siya ni Sarai?

Gaya ng ginawa ng maraming Filipino maids na inabuso ng kanilang foreigner na amo, wala nang ibang naisip na paraan si Hagar kundi ang tumakas. Kung malayo siya sa kanyang amo, hindi na siya mamamaltrato. Pero habang nasa tabi ng bukal sa ilang, sinalubong siya ng anghel ng Panginoon at ang tanong sa kanya: “Saan ka nanggaling at saan ka pupunta?”

Dalawang tanong. Dalawang tanong na malamang ay nakapagbukas ng isipan ni Hagar at nakapagpabago ng direksyon ng kanyang buhay. Pagkasagot ni Hagar, dalawa rin ang naging mungkahi  ng anghel ng Panginoon na gawin niya: “Magbalik ka at muling magpasakop sa kanya.” Bago siya magbalik sa kanyang amo, pinangakuan siya ng Panginoon tungkol sa magiging kinabukasan ng kanyang magiging anak (Genesis 16:10–12). Kahit may pagkukulang si Hagar (v. 5), tinuruan pa rin siya ng Panginoon ng dapat gawin para sa ikabubuti nilang mag-ina. Sa pagbabalik niya sa kanyang amo, tiniyak ng Panginoon na magiging mabuti ang kalagayan niya. May magandang plano ang Diyos para sa kanila (Genesis 16:10–12).

Kung nabibigatan ka o nanghihina ang iyong loob, baka kagaya ni Hagar, kailangan mo ring marinig ang sasabihin sa iyo ng Diyos. Hindi mo man makita ang iyong hinaharap, maniwala ka na kita ka ng Diyos. Ituturo Niya sa iyo ang tamang daan sa kinabukasan mo.

We hope you will join us again tomorrow for our series, “Healer of Broken Hearts.” And please do share today’s devotion. Malay mo, may taong nangangailangan ng mensaheng ito.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, kung may pagkukulang man ako, ituro Ninyo sa akin ang dapat kong gawin. Pagtitiwalaan ko ang kalooban Ninyo at magpapasakop ako sa Inyo.

APPLICATION

Ipanalangin ang mga OFW na nasa vulnerable situations. Kung may kakayahan at pagkakataon ka, magbigay ng suporta sa kanila.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 10 =