4

APRIL 2025

Kakampi for Life

by | 202504, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

Welcome sa last part ng ating series na “Bati na Tayo.”

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Mga Taga-Efeso 4:32

Para sa mga batang ’90s na malimit naghahabulan noon sa kalsada, hindi maiiwasan ang away kapag naglalaro. Matapos ang iyakan, maya-maya ito ang maririnig natin, “Uy, bati na tayo!” Hindi magtatagal at magsisimula nang muli ang laro nang parang walang nangyari.

Kung ganoon nga lang din kadaling sabihing “Bati na tayo!” sa bawat diskusyong nagaganap sa mag-asawa, it could have saved many marriages. The Bible reminds us that we should forgive just as God forgave us (Ephesians 4:32). Hindi ito madali, pero narito ang ilang practical tips that could help us:

 

1. Say sorry Kadalasan, we just get through the day na hindi ito nasasabi kaya walang issue na nare-resolve. Let us make it a habit to say sorry to our partners kapag mayroong alitan (kahit pa may  times na hindi tayo ang mali). This practice shows our humility and willingness to make things work in our relationship.

 

2. Huwag pa-hard-to-get It takes courage magsabi ng sorry lalo na kung galing tayo sa matinding emosyon. Let us acknowledge that. Kapag nagsabi ng sorry ang ating asawa, makipagbati na rin tayo.
3. Magkakampi kayo Dahil walang sinuman ang makapaghihiwalay sa pinag-isa ng Diyos (Matthew 19:6), ibig sabihin ang asawa natin ang kakampi natin for life. It should not be you and your spouse against each other. Instead, it should be you and your spouse against the problem.

 

4. Lay your battle plan Kapag good mood kayong mag-asawa, magandang pinag-uusapan ninyo ang apology language ng bawat isa. Halimbawa, gusto ni mister ng hug after ng conflict para ma-pacify siya. This way alam ni misis kung paanong mas mapapabilis ang pagbabati nila ni mister when the time arises.

 

Don’t forget to tune in again tomorrow for more inspiring messages from God’s Word!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po na sa kabila ng mga pagkakamali ko, handa Kayo laging magpatawad. Teach me, O Lord, to forgive and understand my spouse just like You. In Jesus name, I pray. Amen.

APPLICATION

Take time to talk with your partner about your apology language. Pray together after your discussion.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 15 =