18
AUGUST 2026
Kalma Lang, Maglinis Ka Muna
Ang matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay, ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan.
Mga Kawikaan 14:1
Looking forward si Rose sa pag-uwi ni husband. This means kasi na she’ll be able to take a break from taking care of their children. Finally, she’ll have her “holy time” — cleaning the bathroom and taking a bath.
For stay-at-home moms and working moms with a busy schedule around the house, even taking a bath can be sacred. Ang simpleng paglilinis ng banyo o pagligo can give joy and peace. Bakit kaya? Kasi ang paglilinis ay hindi lang para sa panlabas, kundi may epekto rin ito sa ating kalooban. Parang simbolo ito ng paglilinis ng puso at isip mula sa stress, worries, at negative emotions. For some people, kapag nakakita silang malinis na banyo, parang may bagong simula. Ganito rin kapag hinayaan nating linisin ng Diyos ang ating puso, nagkakaroon tayo ng panibagong lakas at outlook sa buhay.
Sabi sa Proverbs 14:1, “The wise woman builds her house…” Hindi lang ito tungkol sa physical house, kundi sa pag-aalaga ng atmosphere sa loob nito. Kapag maayos ang puso ng isang tao, mas nagiging maayos din ang tahanan niya. Kaya naman ang simpleng paglilinis ng bahay ay nagkakaroon ng epekto sa kanyang spiritual life.
Ang motherhood, and life in in general, ay hindi laging Instagram-worthy. Madalas magulo, mabaho, magastos, magulo ulit. Pero sa gitna ng kaguluhan at habang nililinis ang ating bahay — puwedeng nililinis din ni Lord ang puso’t isip natin. This is the moment to breathe, to think, and to once again experience the fresh grace of God.
Yes, motherhood is messy. Pero hindi kailangang manatiling magulo ang puso natin. Kahit sa gitna ng kalat at ingay, puwede tayong maging masaya. For all of us, mothers or not, kapag ang puso ay malinis at puno ng grasya ng Diyos, mas nagiging magaan ang bawat trabaho at mas nagiging masaya ang bawat sakripisyo.
LET’S PRAY
Lord, linisin po Ninyo ang aming puso gaya ng paglilinis namin ng aming tahanan. Help us to find joy in the midst of mess para maharap namin ang aming calling bilang ilaw ng tahanan nang may saya at pag-asa.
APPLICATION
When was the last time you let God clean your heart and mind? Ask Him today for renewed strength, joy, and peace as you face a new day.
SHARE THIS QUOTE
