31
AUGUST 2024
Kapag Ikaw ay Galit sa Iyong Asawa
Normal sa mag-asawa ang nag-aaway. Pero paano ba ito maiiwasan? Alamin natin sa pagsisimula ng ating short series na “Galit…Bati!”
Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit. Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao’y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.
Santiago 1:19–20
Sa mga mag-asawa, hindi maiiwasan ang arguments. Lalo na sa panahon ngayon, napaka-stressful ng buhay. Andaming issues sa bahay, mula sa budget at sa pagpapalaki sa kids, hanggang sa sensitive topics tulad ng politics, religion, at mga kamag-anak. Dagdag pa ang napaka-ingay na mundo ng social media. Minsan, ang mga mag-asawa ay nagkakasamaan ng loob, at nagagalit tayo sa ating asawa. Ano nga ba ang payo ng Bible sa mga ganitong situation?
Unang-una, alalahanin natin na kapag galit tayo, we tend to make bad decisions or say hurtful words dahil emotional tayo (Mga Taga-Efeso 4:26). Hindi ba lalong mag-eescalate ang away kapag nagpadala tayo sa galit natin, and we end up sinning not just against our spouse, but against God as well?
Ang advice sa atin ni James ay makinig tayong mabuti, at huwag tayong magsalita nang basta-basta so we have the opportunity to weigh our words thoroughly (James 1:19–20). Huwag tayong magpadala sa offense at sa desire na lagi na lang manalo sa arguments. Totoong mahirap na magpakumbaba habang tayo ay galit, lalo na kung justified tayo to feel that way, but this is what God expects of us, and this is the right thing to do. We are instructed to value others above ourselves (Philippians 2:3). Kaya i-prioritize natin ang welfare ng ating spouse over our own, unless there is some form of abuse that is happening to us or our children.
As believers, kailangan nating alalahanin that spouses are joined by God in marriage (Mateo 19:6), so huwag nating pabayaang sirain ito ng ating galit. Huwag nating ilagay sa panganib ang ating relationship sa ating asawa just to satisfy our anger. Instead, let love and respect be the core principles among married couples (Mga Taga-Efeso 5:33).
Abangan bukas ang part 2 ng ating short series na “Galit…Bati!” Nawa ay maging puno ng pag-ibig ang pagsasama ninyong mag-asawa at ng buong pamilya. Kita-kits bukas!
LET’S PRAY
Lord, help me to watch my words and mind my actions kapag galit ako. May my love for my spouse prevail over my pride and anger.
APPLICATION
Madali ka bang magalit? Sikapin mo sa tulong ng Diyos na pigilan ang iyong sarili sa pagsasalita ng masakit o paggawa ng di maganda kapag ikaw ay na-offend sa ginawa ng asawa mo.