27

MAY 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Karen Mae C. Guarin

Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.

Mateo 6:8b

Gustong magpa-deliver ni Andrea ng masarap at mainit na kape. Pagkagising pa lang niya, ito na ang unang pumasok sa isip niya, pero dahil may kape naman sila sa bahay, naisip niyang magtimpla na lang.

After a few hours, dumating ang tatay ni Andrea na may pasalubong na kape! Sabi ng tatay niya, “Anak, mahigit four years na akong may mga ka-meeting sa coffee shop na ‘yun, pero ngayon lang may nanlibre sakin ng kape!” Agad siyang inalok, “Gusto mo? Sa iyo na lang.” Nagulat si Andrea. She was so amazed dahil kanina lang, nasabi niya sa sarili na gusto niya ng kape, pero hindi niya ito ipinag-pray dahil mababaw lang naman. Pero may pinadala si God na kape!

Minsan ba ay kailangan mo lang ng mainit at masarap na kape to get through your day? Kaso, hindi mo na lang sinabi sa iba o ipinag-pray because you classify it as a want — something unimportant or too shallow. Sabi sa verse natin today, alam na ni God ang ating mga pangangailangan even before we ask for it. Our hearts have desires that may seem merely as wants sa tingin natin, but in God’s eyes, they are what we need at that moment. It can be as small as a cup of coffee or as big as a full course meal. If it will brighten up our day and glorify His name, why would our loving God withhold them from us? He desires that we taste and see His goodness (Awit 34:8).

God is delighted when we ask Him for something. Pero kahit hindi pa tayo humihiling, it is comforting to know na meron tayong mabuting Ama sa langit na nakikita ang laman ng ating mga puso kahit hindi tayo nagsasabi (Awit 139:4). Alam Niya at may gagawin Siya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Mabuti at mapagmahal naming Ama sa langit, salamat dahil nariyan Kayo. Salamat for providing my wants and needs kahit minsan hindi ko na ito naipapanalangin. Sa Inyo lahat ng papuri at pagsamba! Amen.

APPLICATION

Basahin at i-meditate ang Awit 139:4; Awit 37:4; Mateo 7:11; at Mateo 6:8b. Anong qualities ni God and dine-describe rito? Paano mo i-aapply sa buhay mo ang natutunan mo today?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 8 =