10

JUNE 2025

Karunungan at Tagumpay

by | 202506, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Alma S. de Guzman

Ang palakol ay pumupurol kapag hindi hinahasa. Ang mahusay na plano ay nakakatulong nang malaki sa pagtatagumpay.

Ang Mangangaral 10:10

Handa ka bang gawin ang lahat para makamit ang iyong pangarap?

Sa anime na Yakitate!! Japan, mula pagkabata ay pinangarap na ni Kazuma na makapag-bake ng pinakamasarap na tinapay na kikilalanin sa buong mundo bilang “Japan bread.” Para matupad ang pangarap nagsikap siyang mag-bake ng iba’t ibang Japan bread versions. At age sixteen pumunta siya sa Tokyo at doon ipinagpatuloy ang journey ng pagbe-bake. May challenges siyang pinagdaanan pero patuloy niyang hinasa ang kanyang baking talents hanggang sa magawa niya ang ultimate Japan bread.

Sa kahit na anong pangarap na gusto nating makamtan, kailangan natin ng wisdom para magawa ang lahat ng bagay at makarating sa tagumpay na inaasam. Sa Mangangaral 10:10 (ASND), isunulat ni King Solomon na, “Kapag palakol mo’y mapurol at hindi mo hinahasa, buong lakas ang kailangan mo sa paggamit nito. Mas nakakahigit ka kung marunong ka, dahil sa pamamagitan nitoʼy magtatagumpay ka.”

If you have an ultimate dream katulad ni Kazuma pero alam mong kulang pa ang skills and talents mo, huwag kang panghinaan ng loob. Alalahanin mong may kaya kang gawin, pero siyempre, kailangan munang hasain ang iyong God-given skills and talents. Isama na rin nating ipahubog sa Diyos ang ating mga puso.

Iyan ang ibig sabihin ni King Solomon. We need to undergo training and practice with God Himself as trainer. Sa journey ng pag-abot sa pangarap we all need wisdom, at ang wisdom na iyon ay hindi basta-basta natututunan. We all need to go through a process of sharpening, at ang totoo, it will not be easy. But with God as our coach, combo pa ang puwede nating makamtan — wisdom and success.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I have big dreams and desires. Alam ko na kulang pa ang kakayahan ko, so I humbly ask for Your wisdom. Guide me as I sharpen my skills, and talents, and while doing so, mold my heart. I trust in Your wisdom. In Jesus name, I pray.  Amen.

APPLICATION

Anong areas ng buhay mo ang kailangang hasain? Ask the Lord to show how you can sharpen these areas.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 11 =