13
JANUARY 2023
Kasama Mo si Jesus

Welcome back to our series “Finding Rest and Comfort in the Lord”. Sana ay nakapagpahinga kayo, hindi lamang mula sa pagod ng katawan, kundi pati na rin mula sa pagod ng kalooban. Kung meron kang dinaramdam, pakinggan mo ang devo natin ngayon.
Tumangis si Jesus.
Juan 11:35
Sa Juan 11:1–44, mababasa ang istorya ng pagkamatay ng kaibigan ni Jesus na si Lazarus. But Jesus performed a miracle—muli Niyang binuhay si Lazarus after he has been laid in the tomb for 4 days. Pero bago Niya muling buhayin si Lazarus, Jesus wept. Ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon, the One who made the heavens and the earth, the One who knows the end from the beginning, wept.
Jesus the Son of God became flesh. At bilang tao, nakita ang pakikiramay Niya sa mga kaibigang sina Marta at Maria sa pagkamatay ng kapatid nilang si Lazarus. Maging Siya ay naiyak sa pagpanaw ng Kanyang kaibigan. Hanggang ngayon, Jesus empathizes with each one of us. Hindi Siya bulag o bingi sa ating pinagdadaanan. Gusto Niyang malaman mo na naiintindihan Niya ang bawat sakit, hinagpis, at pagdadalamhati mo. Hindi ka nag-iisa, kasama mo Siya. Naranasan din ni Jesus na hamakin at magdanas ng hapdi at hirap, at sa kabila ng pagdurusa Niya, wala man lang pumansin sa Kanya (Isaias 53:3-4). Naranasan ni Jesus ang matinding physical and emotional pain.
Kahit ano pa ang kinakaharap mo ngayon na dahilan kung bakit ka umiiyak, maniwala kang kasama mo si Jesus. Nariyan Siya para i-comfort ka. Maaaring umiyak ka ng buong magdamag, pero papalitan Niya iyan ng galak (Mga Awit 30:5).
Yes, you can find rest and comfort in the Lord Jesus. Join us again tomorrow para sa last part ng ating series na “Finding Rest and Comfort in the Lord”.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, maraming salamat dahil You endured all the pain and suffering para sa amin. Tunay ngang hindi Ninyo kami iniiwan o pinapabayaan sa bawat pagsubok ng buhay. Tulungan Ninyo kaming kumapit sa Inyo at sa Inyong mga pangako.
APPLICATION
SHARE THIS MEME
