14

JANUARY 2023

May Messiah Complex Ka Ba?

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by PMVClapano

Welcome back to the series “Finding Rest and Comfort in the Lord”. These past three days, natutunan natin that we can find rest and comfort in the Lord Jesus Christ. He is the promised Messiah, gaya ng sabi ng devo natin ngayon.

Sinabi sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.

Zacarias 4:6

Are you familiar with the term “messiah complex”? According to APA Dictionary of Psychology, “A messiah complex is the desire and compulsion to redeem or save others or the world. The individual may harbor the delusion of being divine.” Nakaka-relate ka ba?

People love being needed. Let’s say na hindi pa umabot sa puntong you are delusional at naniniwala ka na ikaw ay itinadhanang maging tagapagligtas. But don’t you love it when people come to you for advice, o kaya naman, if they treat you with utmost respect because you are mature enough to handle the realities of life? Don’t you love it na ikaw ang reason kung bakit nakapagtapos sa pag-aaral ang mga kapatid mo? Na ikaw ang nakapag-ahon sa pamilya mo sa hirap? At kung hindi ka kumilos upang iligtas at tulungan sila ay napahamak na sila?  

There is absolutely nothing wrong in doing good through helping and caring for others. But what’s dangerous is when you begin to think that all of these are possible because of your ability, maturity, and strength alone. This will lead you to stop trusting people and rely on your own capabilities to be successful. Magsisimula kang mabuhay sa mundong ikaw ang bida, na kailangan ka ng lahat, at walang magagawa ang iba kung wala ka, and sooner or later, you will forget God. But the truth is, hindi mo kayang mag-isa, mapapagod ka, at magsasawa ka. And when people stop relying on you, frustration and depression will follow.

Before you go that road, remember that there is only one Messiah and that is Jesus (Juan 4:25-26). Naparito Siya upang ikaw at ang mundo ay iligtas sa kasalanan (Lucas 5:31-32). He is our redeemer (Mga Taga-Efeso 1:7). Jesus is the only way, the truth, and the life (Juan 14:6). He is our Wonderful Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace (Isaias 9:6). Dahil sa Kanya kaya tayo nabubuhay (Mga Gawa 17:28). At sa pamamagitan lamang Niya makakamit ang tagumpay (Zacarias 4:6). Bago pa lumabas ang kung ano-anong superhero movies, nauna nang naging real-life superhero si Jesus. Continue helping others but always remember na hindi ikaw ang makapagliligtas sa kanila, only Jesus Christ.

Thank you for joining us in our series “Finding Rest and Comfort in the Lord”. Bukas, alamin natin ang sikreto kung paano magiging isa sa happiest people in the world. Abangan!

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, salamat sa pagpapatawad Ninyo sa akin dahil sa mga pagkakataong umasa ako sa aking sariling abilidad at kakayahan at hindi sa Inyo. Salamat sa paalala na Kayo lamang ang nag-iisang Diyos at Tagapagligtas. Salamat din na Kayo ang dahilan ng aking mga tagumpay. Tulungan Ninyo ako na makilala pa Kayo nang lubusan at umasa lamang sa Inyong habag at kapangyarihan. Amen.

APPLICATION

Are you in a situation na pagod ka nang maging “savior” o tagapagligtas at tagapaglutas ng problema ng iba? Ask God to lift this burden from you. Kung gusto mo naman ng may makakausap at mananalangin sa ‘yo, click the “Chat with Us” icon para maka-chat nang live ang ating prayer counselor.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 4 =