24
NOVEMBER 2022
Keep Your Light Burning
Maging handa kayong lagi at panatilihing maliwanag ang inyong mga ilawan.
Lucas 12:35
For some people, challenging to live for Christ dahil madalas, mas inuuna nila ang pansarili kaysa sa kalooban Niya. Ngayon, maraming distractions ang nakapaligid gaya ng gadgets at internet na nagbibigay sa atin ng instant access and information about family, friends, latest trends, politics, and even Christianity. But do all these things help us keep our light burning?
As followers of Jesus, lagi nating tandaan na tayo ang asin at ilaw in this sinful world ruled by the enemy. Dapat lagi tayong handa na magliwanag. While it is true na nasa katawang-lupa pa tayo at nagkakasala kung minsan, we are still called to be holy (1 Peter 1:15–17). Are we tempted to compromise our identity as partakers of the kingdom of God? Paano ba natin mapapanatili magliwanag sa panahong maraming umaagaw ng ating atensyon mula sa Diyos?
Una, sa pagdilat ng iyong mga mata, bumangon at pumikit muli para manalangin. Hindi yung hindi ka pa nakadilat, ang unang aabutin ng kamay mo ay ang cellphone. Mas maganda na ang Diyos ang una mong aabutin at kakaharapin sa iyong paggising.
Pangalawa, meditate on Scripture “day and night.” What? Day and night? Psalm 1:2 at Joshua 1:8 tell us that we should do this para magawa natin ang nakasulat dito at magiging matagumpay tayo.
Pangatlo, continue to spend time with fellow believers. Sa regular fellowship natin with other Christians, we can strengthen and pray for each other (Acts 2:42).
When you prepare for each day this way, patuloy kang makakapamuhay sa mundo na nagliliwanag. Hindi dahil sa mga ginagawa mo kundi dahil ang Holy Spirit ay mananahan sa iyo. Before you know it, mapapansin mo na lang na you are able to overcome your struggles in life and shine as light.
LET’S PRAY
Heavenly Father, narito po ako at nagnanais na ipakita ang ilaw na meron ako sa aking buhay. Tulungan po Ninyo akong magawa ang mga bagay na kaaya-aya para sa Inyo. Tulungan mo ako Banal na Espiritu sa bawat pag-gising ko na ang uunahin ko sa buhay ay Ikaw.
APPLICATION
Maging intentional sa pagsunod sa Panginoon. Manalangin, magbasa ng Bible, at makipag-fellowship.