9

MAY 2024

Keyboard Warriors

by | 202405, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Kit Cabullo

Hangga’t maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.

Mga Taga-Roma 12:18

Santiago 1:5

Naaalala mo ba noong bago pa lang ang Facebook? Puro games, pictures, at updates lang about life. Wala masyadong balitaktakan. “Likes” lang ang reactions. Ngayon, dahil sa dami ng puwedeng gawin, madalas at madali tuloy ang pagtatalo at pagbabangayan ng mga tao. Nabuo tuloy ang term na “keyboard warriors” dahil nagiging palaban ang maraming tao sa internet.

Kahit napakarami ng benefits ng social media, meron din itong disadvantages. Isa na dito ang kakayanan na i-amplify ang hindi pagkakaunawaan at galit. Napakadali ring i-demonize ang mga hindi natin kapareho at mga taong iba ang background. Naaabuso natin ang online discussions lalo na kapag tungkol sa politics, religion, at social issues. Ang ending, debate at pataasan ng ihi!

Sa Mga Taga-Roma 12:18, kinakausap ni apostle Paul ang Christians na nakakaranas ng gulo sa labas at loob ng simbahan. Mahirap ang maging mananampalataya sa ilalim ng Roman Empire sa panahon nila. Mainit din ang politics! Dagdag pa riyan ang pagkakaiba-iba ng lahi at background ng mga tao sa church nila. Maaring napapadalas ang ‘di pagkakasundo-sundo sa loob ng simbahan. Madalas at madali tuloy ang pagtatalo at pagbabangayan nila. Kaya ang sabi ni Paul, dahil sa grasya ng Diyos (Mga Taga-Roma 12:1, 3), piliin daw nila  ang kapayapaan hangga’t maaari sa lahat ng pagkakataon!

Kaya naman, kahit sa gitna ng ingay ng internet, huwag nating kalimutan na huminto at huminga para alalahanin ang dakilang biyaya ng Diyos. Habaan ang pasensya para sa mga kapwa nating online users. Let us not use our keypads or keyboards for war.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

O Lord, have mercy on us. Patawarin po Ninyo kami sa aming mga kasalanang nagagawa online. Help us to remember Your grace and mercy that we may be able to extend patience to others. Help us choose to be peaceful as much as possible.

APPLICATION

Kapag online, palagpasin natin ang mga opinyon na hindi tayo agree pero wala namang kinalaman sa atin. Unawain ang pinanggagalingan ng isang post na sa tingin natin ay negative. Respetuhin ang kalayaan ng iba na mag-express ng kanilang saloobin. Maging sensitibo sa pinagdadaanan nila. Isipin natin, baka kaya minsan mahirap unawain ang ibang tao ay dahil tayo ay may privileges na wala sila. Maging intentional sa pagsulong ng kapayapaan at pakikipagkapwa-tao.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 15 =