10
MAY 2024
Ang Kapalit ng Katapatan
Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.
Mga Kawikaan 10:9
Kakalabas lang ni Blake sa church nang mahuli siya ng officer dahil hindi niya napansin na pundi na pala ang left tail light ng kanyang sasakyan. It seems like his faith was tested after hearing the preaching about honesty. Instead of arguing or giving something to the officer para makalusot siya sa violation, he surrendered his driver’s license. He checked their website kung magkano ang penalty for his violation and it stated Php 300.00. However, pagdating niya sa office para tubusin ang kanyang driver’s license, nagtaas na pala ng Php 5,000.00 ang fine nito. Naubos man and dala niyang pera sa laki ng kanyang binayaran, hindi naman matawaran ang kapayapaang meron siya for doing the right thing. His peace is proof that he has won the battle even though he lost.
Gaya ni Blake, napakaraming sitwasyon ang kinakaharap natin sa araw-araw kung saan nate-test ang integrity natin. Iyong simpleng pagpila nang tama kahit na sobrang haba, sa halip na sumingit tayo, ay isa sa common honesty challenges that we are facing every day.
The road to righteousness is such a rocky path. Hindi ito madaling daanan. Pero may good news! Sa bawat hakbang na ginagawa natin sa pagtahak dito ay matinding kapayapaan ang dala nito sa atin. Hindi tayo nag-aalala na mahuhuli tayo ng sinumang person of authority dahil may ginawa tayong mali. At nabubunutan tayo ng tinik dahil alam nating sumusunod tayo sa kalooban ng Diyos sa pamumuhay natin nang tapat.
LET’S PRAY
Panginoon, hindi po madaling maging tapat araw-araw lalo na at napakaraming temptation para gawin sa mas mabilis na paraan ang mga bagay-bagay. Pero nagtitiwala po ako sa Inyo, na kahit gaano katagal at hirap ng proseso, alam kong bibigyan Ninyo ako ng lakas at biyayang mapagtagumpayan anuman ang hinaharap ko. Salamat na sa pamamagitan Ninyo kaya kong maging tapat araw-araw. In Jesus name, Amen.
APPLICATION
Think of one common honesty challenge na lagi mong ibinabagsak. Write it on your Prayer List at ipanalanging ma-conquer ito this week. One challenge at a time, hanggang sa maging lifestyle mo na ang pamumuhay nang tapat.