5
OCTOBER 2026
Lapit, Luhod, Laban
“Magsisi kayo nang taos sa puso, at hindi pakitang-tao lamang. Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos! Siya’y mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig; laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.”
Joel 2:13
Excited na hinanap ni Edgar ang anak na si Sophie nang makauwi siya mula sa trabaho. Ang tagal niya itong tinatawag, pero hindi sumasagot ang bata. Kinabahan siya nang makitang basag ang TV nila sa kuwarto. Natagpuan niyang nagtatago si Sophie sa loob ng cabinet. Nagulat ang anak na hindi galit ang nakita niyang reaksyon ng ama kundi matinding pag-aalala. Tinanong ni Edgar ang anak kung ano ang nangyari.Tinamaan pala ni Sophie ang TV nang maghabulan silang magkakalaro sa loob ng bahay. Napayakap ang ama sa anak, at sinabi, “Walang anumang bagay sa mundo ang mas mahalaga kaysa sa iyo. Lumapit ka lang palagi kahit ano ang mangyari. Tandaan mo, anak kita.”
Napakasarap na marinig ang mga katagang ito mula sa isang ama. Pero alam mo bang ganito rin ang pagmamahal na ibinibigay sa atin ng Ama natin sa langit? Bilang tao, it is inevitable for us to make a mess. Minsan pakiramdam pa natin irreparable na ang sitwasyon. Pero may tatlong L na pwede nating gawin:
Lapit – Kahit gaano pa kalala ang ating kasalanan at feeling natin nakakahiyang lumapit, God is always waiting for us to come.
Luhod – We can confess our sins and receive His forgiveness. Lagi Siyang handang magpatawad (Joel 2:13).
Laban – God will give us the grace to overcome our struggles. Never give up.
Kaya naman, whenever we feel that God is far away dahil sa mga nagawa nating mali sa buhay, always remember na puwede tayong lumapit, lumuhod, at lumaban. Ganyan ka–gracious ang ating Heavenly Father!
LET’S PRAY
Father God, salamat po sa unconditional love Ninyo sa akin that I can always come to You kahit paulit-ulit akong nagkakasala. Tulungan po Ninyo akong talikuran ang mga mali kong gawain. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Isulat ang nagawa mong kasalanan sa isang papel. Basahin mo ito while repenting in prayer. Pagkatapos ay punutin mo ito hanggang sa maliliit na piraso na lang ang matira. Alalahanin na gaya ng papel na ito, pinatawad at kinalimutan na rin ni God ang mga kasalanan mo dahil pinagbayaran na ito ng Kanyang Anak na si Jesus.
SHARE THIS QUOTE
