2

JULY 2025

Let the Poor Say I Am Rich

by | 202507, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Kit Cabullo

Another way by which we honor God is by lending a hand to the needy. Let’s find out more about this as we continue our series “Honoring God with Your Money.”

Pagdating ninyo sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, huwag ninyong pagkakaitan ng tulong ang mga kababayan ninyong nangangailangan. Sa halip, ibukas ninyo sa kanila ang inyong mga palad at pahiramin sila ng anumang kailangan.

Deuteronomio 15:7–8

Filipinos are helpful to family and friends. Pinapahalagahan pa natin lalo ang kaugaliang ito dahil alam nating importante ito para sa Diyos (Proverbs 17:17; 31:15). But how about helping others not related to us, especially the poor? Mahalaga din kaya sila para sa atin — at sa Diyos?

In the Bible, God gives special attention to the poor. In fact, kasama sa mga batas na ibinigay Niya sa Israel ang pagkalinga at pagiging mabuti sa mga mahihirap. And when Jesus came, He reemphasized these teachings to His followers. Ang mga naghihikahos ay minamahal ng Diyos.

Kung kalooban at kautusan ng Panginoon ang pagpapala sa mga mahihirap, it is therefore a crucial part of our faith and obedience to Him. When we give to the poor, we’re doing the will of God. When we do good to them, we honor the Lord! Our generosity, especially toward the needy who can’t give back, is one of the purest expressions of our devotion to Jesus.

Ipanalangin natin na palagi tayong pagpalain ng Diyos para tayo naman ay maging pagpapala rin sa mga nangangailangan. Sabi nga sa 2 Corinthians 9:11a (NIV), “You will be made rich in every way so that you can be generous on every occasion.” Dahil kalooban ng Diyos ang pagbibigay sa mahihirap, hindi Niya rin papabayaan ang tumutulong sa kanila. Kaya tumulong tayo! 

Kahit sino sa atin na nasa kahirapan ay napapayaman ng pagmamahal ng kapwa at ng Diyos. Let the poor say ‘I am rich’!

Samahan ninyo kami uli bukas dito sa Tanglaw upang sama-sama nating matutunan how we can honor God with our money. KIta-kits!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, please always provide for my needs so that I can also help others in their need. May You enrich me so that I may bless the poor.

APPLICATION

Helping the poor doesn’t have to always be expensive. Ang importante ay maging bahagi siya ng lifestyle natin. Start with blessing the needy in our communities. Provide drinking water for the pedicab drivers. Suportahan ang mga maliliit na tindahan at negosyo sa barangay. Magbigay ng pambili ng school supplies sa kapitbahay mong estudyante na kinakapos.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 7 =