16

OCTOBER 2022

Life After Death

by | 202210, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Gianne Hinolan & Written by Timmy B. Yee

 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”

Juan 11:25–26

At the height of the pandemic, mas napadalas ang pagpo-post ng tributes sa social media following the death of a friend, a colleague, or an acquaintance. Nakakapagod, no? Ang bigat sa pakiramdam na may kakilalang namatay. Pero paano pa kung hindi lang simpleng kakilala? Paano kung ang pumanaw ay isang mahal sa buhay? Death brings not only grief but also a loss of hope, lalonglalo na kung ang nawala ay isang taong sandigan mo. Deep grief and sadness can lead to a life without direction. Wala na siya, paano na? But the Bible says otherwise. There is hope after death!

Death is not the end, but the beginning of eternity. Yes, to grieve is a natural and normal reaction pero in Jesus, there is hope in the afterlife. In today‘s verse, we read about a promise: Ang sinumang sumasampalataya kay Jesus ay muling mabubuhay. 

Kung may mahal ka sa buhay na lumisan na, na alam mong tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas, may rason upang maging maligaya kahit pa sa kamatayan. Dahil nasa piling na siya ng ating Panginoong Jesus. At ang takot na maari nating maramdaman dahil sa kamatayan ay pwedeng mapawi. Dahil ang buhay natin ay hindi natatapos dito lamang sa lupa. Magpapatuloy ito sa langit where there is no more sorrow but instead, true joy in the presence of our Creator.

Kung hindi mo pa tinatanggap si Jesus, kaibigan, manalig ka sa Kanya. Isuko mo ang buhay mo sa Kanya. O meron ka mang relasyon sa Panginoong Jesus pero hindi ka naman namumuhay nang tama. Maaring hudyat na ito upang muling manumbalik sa Kanya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Aking Panginoon, Isinusuko ko sa Inyo ang buhay ko. Pangunahan Ninyo po ako dahil gusto kong makapiling Kayo. Salamat sa kaligtasan sa pamamagitan ng Inyong anak na si Jesus. Amen.

APPLICATION

If you’re already received Jesus as your Savior, get to know Him more by reading His Word. Find a Christian church that can help you nurture your new relationship with Jesus Christ.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 12 =