19

MAY 2024

Ligtas sa Kamay ni Tatay

by | 202405, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Gayon pa ma’y sinasamahan mo ako, sa aking paglakad ay inaakay mo.

Awit 73:23

“Daddy’s here, Daddy’s here,” ang pag-reassure ng tatay habang inaabot ang nangingilala at umiiyak niyang baby mula sa mga bisig ng kamag-anak. Agad namang tumahan ang bata as soon as she was in Daddy’s arms. Napanatag siya.

Habang naglalakad naman pauwi ang isang bata kasama ang kanyang ama, nagtanong ang bata, “Natatakot ka ba, Papa?” Palubog na kasi ang araw at kumakapal na ang dilim. “Hindi,” sagot naman ng ama na hawak-hawak ang kamay ng kanyang chikiting. Lumakas ang loob ng bata, ngumiti at sinabing, “Kung hindi ka natatakot, Pa, ako rin, hindi.”

“One step at a time,” sabi ng ama habang inaalalayan paakyat ng hospital stairs ang kanyang dalaga na may karamdaman. Nagkataon kasing out of order ang elevator! Ilang palapag rin ang kailangan nilang akyatin. Hirap na hirap ang dalaga na humakbang kaya halos buhatin na siya ng kanyang ama. Hindi binitawan ng ama ang kanyang anak hanggang narating nila ang kamang hihigaan bago ang scheduled operation. Nakayanan ng dalaga dahil hawak siya ng kanyang ama.

Sa lahat ng mahihirap na sitwasyong kinaharap ng mga anak, naroon ang presensya ng kanilang ama. Ginamit ng ama ang kanyang kamay para gawing ligtas ang anak, bigyan ito ng katiyakan, ginhawa, at pawiin ang takot. Kung ang earthly father ay nagpapadama ng kanyang kalinga sa ganitong paraan, lalo na ang ating Heavenly Father na hindi masukat ang pagmamahal para sa atin. Ganyan ang naranasan ni Asaph, ang sumulat ng Awit 73. Magulo man ang kanyang isip at marami siyang tanong, alam niyang hindi siya mag-isang haharap sa hamon ng panahon. Alam niya na “Daddy’s here.” Kasama niya ang Diyos Ama. Alam niya na ang may hawak sa kanyang kamay ay walang kinatatakutan. At sa kanyang paglakad, hindi siya minamadali; inaakay siya sa tamang landas, one step at a time.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama namin sa langit, salamat sa Inyong kamay na handa kaming iligtas, patahanin at bigyan ng lakas, lalo na sa oras ng kagipitan. Salamat sa Inyong Presensya. Kahit minsan hindi Ninyo kami iiwan. Amen.

APPLICATION

May pinagdadaanan ka ba? Imagine na binubulong sa iyo ni Lord ang mga katagang, “Daddy’s here,” “Hindi ako natatakot,” at ‘One step at a time.” Meditate on the truth that God the Father is fearless, so you need not fear. Kung ikaw naman ay isang ama, alin sa mga katagang ito ang maaari mong sabihin para mapanatag ang iyong anak na may pinagdadaanan?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 14 =