19
MARCH 2025
Listen to Mother Nature
Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan! Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy ng nagbibigay ng dunong at kaalaman.
Awit 19:1–2
When was the last time you took a walk outside para lang i-appreciate ang makukulay na bulaklak, panoorin ang iba’t ibang hugis ng mga ulap, at pakinggan ang huni ng mga ibon? Sa sobrang busy natin, we forget that we live in a wonderful world that reflects the goodness, wisdom, and power of our Creator.
Sabi ni Apostle Paul, “Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa …” (Mga Taga-Roma 1:20).
God speaks to us through His creation. We just need to open our ears, eyes, and heart to hear His still, small voice. Kaibigan, try mong i-rediscover ang kagandahan ng kalikasan at makinig dito.
Kung sa probinsya ka nakatira, masarap maglakad sa bukid o sa gubat, o kahit sa sarili mong garden. Kung nasa city ka naman, maghanap ng park na puwede mong pasyalan. Ang goal is to spend some time to be alone and quiet, and to let God speak to you through Mother Nature.
To level up, go hiking with your friends on a weekend. Umakyat ng burol nang hindi nagmamadali. Let the trees amaze you with their towering branches. Stop and look at the intricate patterns of their leaves. Mag-birdwatch! Pakinggan ang mga kuliglig. They’re singing praises to God. And they’re inviting you to shout your praises to Him too.
Hindi lang papuri sa Diyos ang maririnig natin sa kalikasan. Mother Nature is also groaning. Sabi ni Apostle Paul, “hanggang ngayo’y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng isang nanganganak” (Mga Taga-Roma 8:22). Because of our sin, nadamay ang buong creation sa brokenness natin. And worse, we did not care for God’s creation. Instead, we exploited and destroyed it. Kung pakikinggan lang natin ang kalikasan, maririnig natin ang paghingi nito ng tulong.
May your day be filled with appreciation for our God the Creator and our Lord and Savior Jesus Christ. Thank you for joining us and see you again tomorrow!
LET’S PRAY
Creator God, open my eyes to the beauty of Your creation. Open my ears and my heart to Your voice speaking to me through Mother Nature.
APPLICATION
Go outside and enjoy nature. Try any of these: Plant a tree. Grow a garden. Maligo sa ulan. Mag-hiking this weekend. And thank the Lord for this wonderful world.
SHARE THIS QUOTE
