17
MARCH 2025
Listen with Your Heart

Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim.
Mga Kawikaan 4:20–21
Sobrang ingay na ng mundo natin. Araw-araw we are bombarded by bad news on TV, fake news online, at tsismis tungkol sa celebrities. Nasanay na yata tayo sa ingay, kaya kahit anong info pa yan, papasok sa isang tenga at lalabas lang sa kabila.
Pero kaibigan, kung hinahanap mo ang katotohanan tungkol sa Diyos, you need to listen to His Word. Not just with your ears, but with your heart. Paano ba ang makinig with the heart? Ang sabi ng wise king na si Solomon, kailangan nating makinig nang mabuti, mag-focus sa sinasabi ng Salita ng Diyos, at iukit ito nang malalim sa puso natin.
Ang dami nang platforms ngayon para ma-access ang Salita ng Diyos. In our personal reading of the Bible, sa pulpit sa church, podcasts online, at dito mismo sa Tanglaw. But how do we really hear God in all of these?
First of all, earnestly pray to Him to open your ears and your heart to His Word. Then, when you’re listening to His Word, pay attention one hundred percent!
Habang pinakikinggan mo ang Salita Niya, ask yourself the following questions: Anong sinasabi sa akin ng Diyos right here and right now? Anong connection nito sa buhay at sitwasyon ko ngayon? Anong imbitasyon ang ibinibigay Niya sa akin? May dapat ba akong gawin ngayon o sa mga susunod na araw?
When you hear God speak to your heart, the next step is to obey. When you do, magiging matibay ang iyong faith, tulad ng isang taong nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato (Mateo 7:24). And you will be blessed. Listen to the words of Jesus here: “But even more blessed are all who hear the word of God and put it into practice” (Luke 11:28, NLT).
Please join us again tomorrow and invite your friends. Sabay-sabay tayong makinig sa Salita ng Diyos through our series “It’s Time to Listen.”
LET’S PRAY
Lord, I open my heart to You. Kung matigas po ito, palambutin Ninyo. Turuan po Ninyong makinig ang puso ko sa Inyong Salita. Tulungan po Ninyo akong sumunod.
APPLICATION
Spend at least five minutes of silence right now. Anong ini-impress sa iyo ng Panginoon? Take note of it sa cellphone mo or sa iyong journal.
SHARE THIS QUOTE
