16

JULY 2022

Live a Life of Love

by | 202207, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Rebecca M. Cabral

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. 8Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Kailanma’y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo’y nag-iibigan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang Kanyang pag-ibig.

1 Juan 4:7–8; 12

Have you heard the song “What the World Needs Now Is Love”? Although sumikat noong ’60s, napaka-timely pa rin sa panahong ito. Sa halip na pag-ibig sa kapwa, tila galit ang umiiral sa mundo ngayon. Ganito rin ang nangyari noong panahon ni King Solomon. He said, “Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan (Mga Kawikaan 10:12). Binigyan-diin ito ni Apostle Peter, “Ang sabi ng Panginoong Hesus, ‘Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan’” (1 Pedro 4:8).

Pinag-uugatan ng maraming kasalanan ang unforgiveness. Kapag hindi tayo nagpatawad, magkikimkim tayo ng galit, na maaaring magresulta sa paggawa ng masama. Ang pagmamahal sa kapwa ay nagsisimula sa pagsunod sa utos ng Diyos na inihayag ni Moses, “Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas” (Deuteronomio 6:5). Jesus expanded it by saying, “Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Mateo 22:39).

Jesus talked about this in the story of the Good Samaritan (Lucas 10:30-37). Isang traveler ang ninakawan, binugbog, at halos patay na nang iwan sa kalsada. Napadaan ang isang paring Judio, sumunod ay isang Levita, at kapwa iniwasan ang biktima. Nang isang Samaritano ang napadaan, naawa siya at dinala sa isang bahay-panuluyan ang biktima. Pina-alagaan doon at binayaran lahat ng gastos. Bagamat alam ng Samaritano na hindi sila katanggap-tanggap sa mga Judio, he showed what it truly meant to love others, even our enemies. Sa Mateo 5:44, sinabi ni Jesus, “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway.”

Just like Jesus, may we live a life of love.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, patawarin Mo ako sa aking pagkukulang na ipadama sa aking kapwa ang Iyong pagmamahal. Help me express this love to others. In Jesus’ name,  Amen.

APPLICATION

Think about the ways you can let the love of God flow through you this week.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 3 =