31

MAY 2024

Lord, I Need Rest

by | 202405, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Mil Matienzo

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo.”

Mateo 11:28–30

We live in a society in which working hard and going the extra mile are necessary for survival. Sa kalakaran ngayon, kung hindi ka magsusumikap, wala kang mararating. In this busyness, we suffer. Kasabay ng ating paghihirap sa paghahanapbuhay, darating pa ang mga problemang hindi inaasahan at kabi-kabilang pangangailangan. Tila nagiging normal na sa ating buhay ang mabugbog ng napakaraming isipin at alalahanin. Minsan, mapapatanong ka na lang: Sino ang maaasahan ko?

Mahirap man ang buhay, nawa ay ituro tayo ng reality na ito sa dalawang hindi-mababaling katotohanan:

1.Kay Cristo ang ating kapahingahan sa gitna ng ating mga kapaguran.

Ang ating pag-asa sa bigat ng ating mga kapaguran ay nananatiling si Cristo lang. If there is anyone who completely understands what we are going through — our hardships, troubles, needs, and suffering — it is Christ. Jesus is inviting us to come to Him and lay our burdens down at His feet. Siya lang ang makakapagbigay ng kapahingahan na hindi natin matatagpuan kahit saan.

2.Hindi ang mundong ito ang pangunahin at sukdulan, kundi si Jesus.

Wala sa mundong ito ang sukdulan at kalubusan ng lahat. Lahat ng nangyayari, lahat ng pag-aari, lahat ng umiiral, at lahat ng paghihirap ay hinding-hindi aabot sa sukat ng kadakilaan ni Jesu-Cristo at sa glory ng Kanyang mga pangako sa Kanyang pagbabalik. In this world, everything falls short of the ultimate glory of Christ. Kaya’t kay Cristo tayo tumingin. Kay Cristo tayo kumapit. Siya ang magtatawid sa atin sa lahat ng pansamantala sa mundong ito. Let us look forward to that day when Christ will come again to redeem all suffering in this broken world — even the suffering that we go through every single day.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, I need You. You understand the hardships and suffering that I go through daily. I trust that it is You who holds me and in You I can find rest.

APPLICATION

Use this time to slow down. Rest, take a deep breath, and meditate on the goodness of Jesus.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 1 =