24
APRIL 2024
Lounge Access
Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makakalapit tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at panatag ang loob.
Mga Taga-Efeso 3:12
Nasubukan mo na bang mag-travel by air? Hindi ba’t ang advice sa atin ay dapat, three to four hours before the flight nasa airport ka na? Pero sa traffic situation ngayon at iba pang unforeseen delays, may ilang travelers na ring dumadating sa airport four to five hours bago lumipad. May peace of mind nga naman kung nandoon ka na dahil hindi ka na magwo-worry na baka ma-miss mo ang flight mo. Pero admittedly, nakakainip ding maghintay ng ilang oras lalo na kung walang kumportableng upuan o tambayan, di ba?
Isa sa perks ng mga sikat na credit cards ang pagbibigay ng lounge access sa kanilang members. Sa lounge, magaganda ang mga upuan, may complimentary food and beverages, may free wifi, may socket para sa chargers, may magandang restroom. Ang iba nga, meron pang shower room at mga sofa na comfy enough para makapag-nap ka. You can’t help but feel privileged if you are a card holder. However, not everyone is a card holder. Not everyone is a member.
Good thing hindi natin kailangang mag-present ng membership card para makapasok sa throne room of God. Hindi natin kailangan ng credit card para makalapit sa Kanyang presensya. Ni hindi nga Niya tayo sinisingil ng annual fee pero we are welcome to enter the lounge that is His presence, where we can eat His Word, and drink from His cup. Complimentary na nga ang lahat, unli pa! Unli guidance, protection, provision, and love!
Ang access na ito sa presence ni God is the best lounge kung saan makukuha natin ang pahingang hinihingi ng mga pagod nating katawan, puso, at utak. Dito, welcome ang lahat — mayaman, mahirap, matanda, bata, lalaki, at babae.
LET’S PRAY
Dear God, salamat sa Inyong kamay na laging handang hawakan, kunin, at paupuin ako sa Inyong kanlungan. Salamat na ang Inyong Salita ang bumubusog sa nagugutom kong kaluluwa at pumapawi sa aking pagkauhaw.
APPLICATION
Pagod ka na ba kakahintay sa eroplanong magdadala sa iyo sa iyong mga pangarap? Find solace and comfort by being aware of God’s presence. Be assured that there is no place better than in His loving arms.