12
FEBRUARY 2024
Love on a Two-Way Street
Naalala n’yo ba ang kantang “Love on a Two-Way Street”? Don’t worry, hindi ako kakanta ngayon. But today’s devotion carries the same title. So simulan na natin.
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat … Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak.
Mga Taga-Efeso 6:1, 4
Nasira ang relationship ni Charles with his daughter nang hindi niya ito pinayagang mag-travel around the world for a year pagkatapos grumaduate from high school. Lumayas ito at hanggang ngayon hindi pa ito bumabalik sa kanila. Nagtaka naman si Pol nang marinig ang biyenan na pinipintasan ang kanyang mga anak sa kausap nito. Alam niyang kasinungalingan ang sinasabi ng biyenan.
We are all on this crazy cycle of love-hate family relationships and we don’t know how to stop! Pabata ng pabata ang mga pasaway na mga anak at mukhang pagod at kulang naman sa oras si Mommy at Daddy to be around to guide them. We have less meaningful moments together, kahit pa gutom na gutom tayo sa pagmamahal. As a result, we end up punishing each other with impossible expectations and impenetrable emotional walls.
Totoong we all need and want love. Pero ang pagbibigay ng pagmamahal ay parang isang two-way street — it goes both ways! Magulang man o anak, we should be committed to each other’s well-being, ang magbigay-halaga sa isa’t isa in good times and in bad times. We shouldn’t withhold love when strained moments come. Instead, let’s be intentional in making things right in our relationships — listening to advice, respecting one another rather than provoking one another, admitting our faults, and asking for forgiveness. That’s love!
Bukas, ang devotion naman natin ay patungkol sa mga mag-asawa. Kaya abangan n’yo ‘yan bukas sa pagpapatuloy ng ating series na “Love in Action”.
LET’S PRAY
Panginoon, sorry for not understanding and embracing my responsibility as a member of our family. Turuan Mo ako how to give and receive love, knowing that I expect the same.
APPLICATION
Mayroon ka bang sama ng loob o galit sa iyong magulang o anak? Reflect kung paano mo kakausapin ito para maayos ang inyong problema at humingi o magbigay ng kapatawaran in order to move forward to a better relationship. Remember to ask God for His wisdom.