13

FEBRUARY 2024

Pagod Ka Na Ba sa Asawa Mo?

by | 202402, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Lucille Talusan & Written by Lucille Ocampo-Talusan

Welcome back to our series “Love in Action”. Mga misis, mga mister, here’s one devo you shouldn’t miss.

Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan; siya’y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay.

Mga Kawikaan 18:22

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya. Mga Taga-Efeso 5:25

Misis, pagod ka na ba kay Mister dahil sa kanyang mga bisyo at pagiging iresponsable? Has he stopped giving you flowers or opening the door for you? Eh, ikaw Mister, pagod ka na rin ba kay Misis dahil walang tigil ang nagging niya sa iyo lalo na pag kulang na ang budget? Hindi na ba siya nagpapa-beauty para sa iyo at hindi ka na niya inaasikaso? Alam ninyo yung you wake up one morning and realize you stopped loving and respecting each other?

Wait lang! Before things get worse and you drift apart, tingnan muna natin ang sinasabi sa Bible tungkol sa asawa. Proverbs 18:22 (CEV) says, “A man’s greatest treasure is his wife — she is a gift from the Lord.” On the other hand, God commands the husband to “love his wife as much as Christ loved the church and gave his life for it” (Ephesians 5:25, CEV). God has called and empowered the husband to love his wife. Ang asawa mo pala ay regalo ni Lord sa iyo! Siguro naitatanong mo, “Eh Lord, bakit naman ganito ang regalong ibinigay Ninyo sa akin?” 

Parang may halong pagrereklamo ang tanong, pero at least you acknowledge that your spouse is God’s gift to you. Malaking tulong pag positive ang pananaw mo sa asawa mo. Hindi siya burden kundi isang regalo na tine-treasure; hindi tinatapon lalo na’t si Lord, who gives only the best gifts, ang may bigay.

Our spouse is a gift from the Lord, kaya mahalin natin sila with the love of the Lord. Join us again tomorrow for the last part of our series “Love in Action”.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, sorry po. Nakalimutan ko na si (your spouse’s name) ay regalo Mo sa akin. I don’t know how to handle your “gift” because we have been hurting each other. Please help me to see my spouse through Your eyes of unconditional love. Please heal us and restore our relationship. I pray this in Jesus’ name. Amen.

APPLICATION

Ask the Holy Spirit to give you the grace to treat your spouse as a treasured gift. Kapag naiinis ka, talk to him in a nice and encouraging way so that your spouse will also see you as God’s gift to him/her. And if you need to talk to someone because you are in a complicated situation, i-click lang ang icon na Chat With Us para

maka-chat ng live ang ating prayer counselors.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 8 =