11
NOVEMBER 2025
Loved and Accepted
The need for social connection is a valid need. Welcome once again to our series, “God’s Answers for Your Every Need” and let’s find out how God can meet that specific need.
Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.
Mga Hebreo 10:25
Kahit na maganda ang grades mo sa school o maayos ang performance mo sa office, mabigat sa loob na pumasok kung wala kang kaibigan and you feel like an outsider. Ganun din sa bahay — It doesn’t matter if you live in a big and beautiful house kung wala ka namang nararamdamang pagmamahal mula sa mga kasama mong nakatira roon. Natural lang ito dahil sabi nga ng psychologist na si Abraham Maslow, we all need love and the feeling that we belong and that we are accepted.
When you feel so alone, parang ang hirap maniwala na may nagmamalasakit sa iyo. Pero sabi nga sa Philippians 4:19, God will supply our every need. Para sa mga taong may kapansanan during biblical times, malamang na napakahirap bumuo ng meaningful connections para sa kanila. Karamihan sa kanila’y walang kakayahang kumita ng pera. Meron ding paniniwala that sin causes disabilities (John 9:2).
Kaya naman labis na pinagpala ang paralitiko sa Luke 5:17–26. He had four friends who cared about him kaya dinala siya sa lugar kung saan nangangaral si Jesus. Umasa silang mapapagaling siya nito pero sa dami ng tao, hindi man lang sila makalapit kay Jesus. Dahil dito, umakyat sila sa bubong, binakbak ito’t ibinababa ang kaibigan sa harapan ni Jesus. Because of this show of faith of his friends, binigay ni Jesus ang healing na kailangan ng paralitiko.
The Lord brings certain people in our lives to encourage us and help us grow in faith. We need to learn to recognize them, cherish them, and take care of our relationship with them.
Why don’t you invite your friends to listen to Tanglaw? Malay n’yo, meron din silang need that only Jesus can provide. See you tomorrow for the last part of our series, “God’s Answers for Your Every Need.”
LET’S PRAY
Lord, I’ve been betrayed and rejected. Maraming beses na akong nasaktan. But I know that You see my situation. Please bring the right people into my life.
APPLICATION
Reconnect and spend time with one or two godly people in your life. Let them lead you closer to our Lord Jesus.
SHARE THIS QUOTE
