13

SEPTEMBER 2026

Maalala Mo pa Kaya Ako?

by | 202609, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Jude G. Agbayani

“Ako ang inyong Diyos. Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo’y tumanda. Kayo’y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo’y iligtas at tulungan.”

Isaias 46:4

“’La, si Jaja ito. Naalala mo pa ako?” Naluluhang tanong ni Jaja sa kanyang Lola Tinay habang sinusuklayan niya ito. Last month lang na-diagnose na may dementia ang kanyang lola kaya’t malungkot ang kanilang pamilya. Bago ma-confirm ang condition ni lola, napansin na nila Jaja ang pagbabago sa ugali nito. Naging magagalitin, paulit-ulit sa mga tanong, at laging nalilito. Madalas din niyang nakakalimutan kung nasaan siya at kung sino ang kausap niya.

Mahal na mahal ni Jaja ang kanyang Lola Tinay kaya’t masakit isipin na hindi na siya maalala nito. Paminsan-minsan bumabalik ang memory pero mawawala rin. Ang tanging paraan na naisip ni Jaja para maibalik ang alaala ay ang pagsuklay niya sa buhok ni Lola Tinay. Bata pa lang si Jaja ay naging routine na ng lola niya na suklayan siya bago matulog. Habang ginagawa ito ay nagkukuwentuhan ang mag-lola. This is Jaja’s favorite memory with her Lola Tinay. Nagdadasal si Jaja na sa bawat daan ng suklay at himas sa  buhok ng lola ay maalala siya.

According to a 2021 study, the incidence of dementia in the Philippines is 16 out of 1000. At lalo pang tataas ito sa susunod na 10 to 20 years. Nakakalungkot isipin na ang ating mga magulang, mga lolo at lola ay unti-unting nawawalang ng memory. Dahil sa dementia, hindi na nila maalala kung sino ang kanilang mga pamilya. Even how to take care of themselves, hindi na rin nila magawa.

In our old age, we may forget important details or lose our memory altogether. But the Lord promises to care for us even when we are old and gray. Hindi Niya tayo pababayaan dahil iniligtas Niya tayo para makasama Niya habangbuhay.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for allowing me to live this life and have beautiful memories with You, my family, and friends. As I grow old, may You keep my memory of You intact. May I never forget how You loved and saved me so one day I can be with You in heaven. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Kung may chance ka na makausap o madalaw ang iyong lolo at lola, gawin mo ito. Ipadama mo ang iyong pagmamahal sa kanila.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 13 =