12

SEPTEMBER 2026

When Times Are Good, Give Thanks

by | 202609, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Paula Mae Villanueva-Clapano

Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.

Mga Taga-Colosas 3:15

Kapag maganda ang takbo ng buhay natin, ano ang madalas nating response? Do we celebrate our victories in a big way or do we prefer to keep it small? Regardless of how we want to do it, let us be thankful at huwag nating kalimutan kung sino ang dahilan nito.

Answered prayer? Thank You, Lord! Promotion sa work? Thank You, Lord! Naipasa ang exam? Again, thank You, Lord! Kahit simpleng bagay lang — tulad ng paggising sa umaga, pagkakaroon ng good health o peace of mind, or pagtanggap ng unexpected kindness — worth celebrating yan and worth thanking God for!

Sa 2 Corinthians 9:15 (NIV), sinabi ni Apostle Paul, “Thanks be to God for His indescribable gift!” Ang tinutukoy niyang gift ay si Jesus — dahil kay Jesus, punong-puno ang buhay natin ng grace upon grace, win upon win, joy upon joy, hope upon hope, and peace upon peace.

Kapag sanay tayong magpasalamat sa maliit man o malaking bagay, mas nagiging malinaw sa atin na lahat ng mabubuting bagay ay galing sa Diyos. At sa tuwing may magandang nangyayari, huwag natin hayaang lumipas ito nang wala lang. Sabihin natin, “Salamat, Lord!” We can sing and dance with joy. We can pray, too. Happy tears? Go!

Don’t be afraid to celebrate the good times dahil baka natatakot ka na may mangyaring masama after. Remember: every good and perfect gift is from above (James 1:17, NIV), kaya every celebration is a way to give back the glory to God.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You! You are truly good dahil hindi laging trials at hard times ang nangyayari sa buhay ko. Maraming salamat po sa tagumpay at mga biyaya Mo. Tapat Kayo sa Inyong pangako na pagpapalain Ninyo ang mga anak Ninyo na sumusunod at nagtitiwala sa Inyo.

APPLICATION

Anong recent win mo ang hindi mo pa na-celebrate? Take a moment today. Sing a song, pray. Or simply say, “Salamat, Panginoon.” 

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 3 =