19
JANUARY, 2021
Mag-almusal Tayo!
Share with family and friends
Muling nagpakita si Jesus sa mga alagad sa tabi ng Lawa ng Tiberias… Pagkaahon nila sa pampang, nakakita sila roon ng isdang iniihaw sa baga, at ilang tinapay… “Halikayo at mag-almusal tayo,” sabi ni Jesus… Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila. Ganoon din ang kanyang ginawa sa isda.
Juan 21:1, 9, 12, 13
Mahilig ka ba sa pagkain? Kung ganoon, magugustuhan mo ang kuwento pagkatapos ng resurrection ni Jesus dahil may kainan!
Bakit kaya ipinagluto ni Jesus ng almusal ang mga disciple? Marahil ay alam Niyang gutom ang mga ito sa magdamagang pangingisda. O di kaya’y gutom din Siya. Tiyak na alam Niya na mahalagang pakainin ang katawan.
Nang magpakitang muli si Jesus sa mga alagad Niya pagkaraan ng Kanyang resurrection, hindi Siya bumalik bilang invisible spirit. Na-resurrect ang Kanyang katawan, na Kanya ring katawan nang mag-ascend Siya sa langit. Makikita natin dito na mahalagang bahagi ng tao ang katawan. Ayon nga sa Mga Taga-Filipos 3:20-21, papalitan ang ating panlupang katawan ng maluwalhating katawan pagpunta natin sa langit. Ngunit sa ngayon, kailangan nating pangalagaan ang ating earthly bodies. Paano?
Kumain ng masusustansyang pagkain at magpahinga nang sapat sa araw-araw. Kung may panahon mang kailangan mong magpuyat, tiyakin na hindi mo ito aaraw-arawin. Kailangan din ng exercise. Maaaring mag-fasting dahil may mabuting naidudulot ito, pero may panahon at lugar para rito. Kasing-halaga ng pagpapahalaga natin sa ating soul at spirit ang dapat na pagpapahalaga natin sa ating katawan.
So, nag-almusal ka na ba?
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, salamat sa katawang ipinagkaloob Ninyo sa akin. Tulungan Ninyo akong pangalagaan ito nang mahusay, na may wisdom at pag-iingat, dahil temple ito ng Holy Spirit.
APPLICATION
I-review mo ang mga kinain mo nitong nakaraang linggo. Masusustansya ba ang mga ito? Kumain ka ba nang tama sa oras? Tiyakin mo na ang iyong meals at eating habits ay nakaka-contribute sa kalusugan ng iyong katawan.