8
JULY 2023
Magandang Balita … Kanino?
Jesus sets us free! That has been the message of our series for the past three days. Samahan ninyo kami para sa huling bahagi ng ating series na “Jesus Sets Us Free.”
Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya’t magsisi na kayo’t talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan na ninyo ang Magandang Balita!”
Marcos 1:15
Ipinangaral ni Jesus ang Magandang Balita: “Malapit nang maghari ang Diyos!” Finulfill Niya ito nang ipinako Siya sa krus para pagbayaran ang kasalanan ng lahat ng tao, at nabuhay muli para pagtagumpayan ang kamatayan at bigyan tayo ng buhay na walang hanggan. Kaya naghahari na ang Diyos in the person of the King Himself, Jesus Christ. Ngayon, bukas na ang kaharian ng Diyos sa lahat ng gustong maging kabahagi nito.
Pero teka, ano ba ang ibig sabihin ng Kaharian ng Diyos? Kung tinanggap mo na si Jesus bilang Tagapagligtas at hinahayaan mong Siya ang masunod sa buhay mo, nasa iyo na ang Kaharian ng Diyos ngayon pa lang (Lucas 17:21). Pero itinuro rin ni Jesus na ipanalangin natin ang pagdating ng Kaharian ng Diyos (Mateo 6:10). Ibig sabihin, one day, ibababa ng Diyos ang langit sa lupa at maghahari Siya sa buong mundo completely.
Sa Kaharian ng Diyos, puro kabutihan at katwiran lang ang iiral. Walang kalokohang magaganap. Walang pandaraya, karahasan, at kalungkutan. Kaya sa Second Coming ni Christ kung kailan Siya maghahari nang lubos, ang mga bansang hindi nagpasakop kay Jesu-Cristo ay magmo-mourn (Mateo 24:30). They will learn too late na totoo pala si Jesus Christ na pini-preach ng Kanyang followers at katapusan na ng kanilang masasamang gawa. Parang masamang balita sa kanila ang paghahari ng Diyos!
Pero para sa mga mahihirap, bilanggo, bulag, at naaapi (Isaiah 58:6; 61:1-2, Luke 4:17-21), at sa mga taong gustong maitama ang mga mali (Matthew 5:6), Magandang Balita ang paghahari ng Diyos. Literally and figuratively speaking, mapapawi na ang kahirapan ng mga mahihirap, mapapalaya na ang mga bilanggo, makakakita na ang mga bulag, at makakamit na ng naaapi ang hustisya. Sa Kaharian ng Diyos, may tunay na kapayapaan, kaligayahan, at kasaganaan.
Gusto mo bang maging part ng Kaharian ng Diyos? Kung tinanggap mo na si Jesus bilang Tagapagligtas, nagsimula na ang paghahari ng Diyos sa iyo at makakasama ka sa Kahariang itatatag Niya in the future. Kung hindi mo pa ito ginagawa, halika, manalangin tayo. Bukas ang Kaharian ng Diyos para sa iyo.
We believe that you’ll experience now and surely, in the future, in Jesus’ Second Coming, the freedom that only He can bring. Tune in again tomorrow for another liberating message from the Word of God!
LET’S PRAY
Lord Jesus, kinikilala ko na Kayo ang Hari. Maghari Kayo sa lahat ng areas ng buhay ko ngayon and in the future. Naniniwala ako na sa pagbabalik Ninyo, mababago ang mundong ito at ang kalooban Ninyo ang masusunod dito sa lupa katulad ng sa langit.
APPLICATION
Basahin sa Gospels ang mga turo ni Jesus tungkol sa Kaharian at paghahari ng Diyos. Then pray at hilingin sa Kanya kung paano ka makaka-contribute sa paglaganap nito.