10

MARCH 2024

Magtanim Ka ng Kabutihan

by | 202403, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Alma S. de Guzman

Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman ng marami ay aani ng marami.

2 Mga Taga-Corinto 9:6

Makalipas ang dalawang dekada, sa isang birthday party, nakita at kinamusta ni Andrea ang kanyang high school teacher. Masayang nagkuwento si Teacher Thess sa kanya.

“Nagretiro na ako, pero iba talaga kapag tinawag ka ng Panginoon sa pagtuturo. Binigyan Niya ako ng bagong gagawin, natuto pa akong magturo online, at may dating estudyanteng nagbigay ng pangkapital para makapagtayo ako ng maliit na negosyo. Wala man akong malaking natanggap na pinansyal na benepisyo, pero napakabuti ng Panginoon sa akin. Naiiyak akong makita na successful na kayong mga estudyante ko. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na naging parte ako ng buhay ninyo.”

Mababakas ang kagalakan sa kuwento ng teacher. Batid ni Andrea ang dedikasyon, pagmamahal, at nag-uumapaw na suporta sa mga naging estudyante ng kanyang teacher.

Talagang nagtanim ng kabutihan si Teacher Thess sa buhay nila. Kaya hindi nakakapagtaka na pagkatapos niyang magretiro ay umaani rin siya ng kabutihan.

Nakaka-inspire ang mga taong laging handang magtanim ng mabuti para sa kapwa. They make the world a better place, ‘di ba?

Kung may isang tao mang who went above and beyond kindness and generosity, it is the Lord Jesus. Hindi Niya lang basta itinurong magtanim ng kabutihan para sa iba, ipinamalas Niya pa ito sa atin. Bagamat Diyos Siya, nagkatawang-tao Siya, dinanas ang lahat ng hirap, at namatay sa krus ng kalbaryo para mailigtas tayo sa ating kasalanan. Ganyan ka-generous si Lord sa atin.

 

In this life, if we desire a great harvest, then let’s plant seeds of goodness like the teacher in our story. Let’s start now! Every day naman generous si Lord sa atin so why not try to live a life sowing generosity every day too?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon Jesus, maraming salamat sa Iyong kabutihan at nag-uumapaw na pagmamahal. Loobin Mong ako’y maging pagpapala sa mga taong nasa paligid ko. Tulungan Mo akong magtanim ng kabutihan araw araw.

APPLICATION

Do an act of kindness for people hardly noticed by others (delivery rider, security guard, maintenance staff, etc.). Pray for them, too.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 1 =