9
MARCH 2024
Junia: Pinagpala Para Maging Pagpapala

Ikumusta ninyo ako sa mga kababayan kong sina Andronico at Junia … sila’y kilala ng mga apostol at naunang naging Cristiano kaysa sa akin.
Mga Taga-Roma 16:7b
Yesterday, we learned about Junia, at ang kanyang naging role sa buhay ni Paul. Hindi natin alam kung mag-asawa o magkapatid sina Andronico at Junia. There are no other details; nevertheless, alam natin na kilala si Junia ng mga apostol at naunang naging Cristiano kaysa kay Paul. There are many Bible scholars who think na isa si Junia sa mga unang apostol. She could be one of the first female apostles. Whether or not she was, it’s certain that Junia was “highly respected among the apostles” (Romans 16:7, NLT).
Hindi natin alam kung gaano karaming believers at maging hindi believers ang natulungan nina Andronico at Junia. Only God knows the extent of their support sa early ministry ng mga apostol. Junia even went to prison with Paul, as they both did the work of God. Mahirap makulong, lalo na para sa mga babae. Praise God for Junia’s conviction!
This March, which is Women’s Month, parangalan at alalahanin natin ang mga “Junia” (pati na rin ang mga Andronico) sa ating buhay. Sila ‘yung mga kababayan o ka-community natin na sumusuporta sa ating bagong buhay o paglapit sa Panginoon. Sila ang mga highly respected women of God. Praise God for them, and thank the Lord for placing them in your life!
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtangkilik sa Tanglaw. At kung kayo ay isa sa mga kababaihan, saludo po kami sa inyo! Pagpalain po kayo ng ating Panginoon.
LET’S PRAY
Thank You, Lord, sa mga “Junia.” Bigyan po Ninyo ng lakas at grace ang mga ate, tita, at nanay-nanayan namin sa faith.
APPLICATION
Who can you be a Junia to in your family, neighborhood, or community? Ask the Lord to reveal this to you.
SHARE THIS QUOTE
