22

JULY 2025

Makinig Muna

by | 202507, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Joshene Bersales

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis.

2 Mga Taga-Corinto 1:3–4

Nagpa-counsel si Maya sa isang church volunteer dahil may pinagdaraanan siyang issue. Pero imbes na tulungan siyang mag-process ng nararamdaman, pinangaralan lang siya nito. Ang ending, lalong nasaktan ang dalaga. Pakiramdam niya, sinisi lang siya dahil sa nangyari sa kanya.

Kapag may nag-share sa atin ng kanilang sama ng loob, ano ang unang reaction natin? Nakikinig ba muna tayo? O ready na agad tayong magbigay ng advice, kahit unsolicited ito? Minsan hindi natin ito mapigilan kasi feeling natin ito ang reason kung bakit tayo nilapitan. Pero paano kung kailangan lang pala ng kausap natin ng makikinig sa kanya nang walang panghuhusga?

Ikinuwento sa John 11 ang pagkamatay ni Lazarus, ang kapatid nina Martha at Mary. Lahat sila’y malalapit na kaibigan ni Jesus. Pagdating ni Jesus sa Bethany kung saan nakalibing ang binata, pareho ang iyak nina Martha at Mary sa Kanya: “Panginoon, kung kayo po ay narito, buháy pa sana ang kapatid ko” (vv. 21, 32). Ano ang reaction ni Jesus dito? Pinagalitan ba Niya sina Martha at Mary dahil sa lack of faith nila? Sinabihan ba Niya sila na tumigil sa kanilang pag-iyak? Hindi. Instead, sinigurado Niya kay Martha na muling mabubuhay ang kanilang kapatid. Sabi sa Juan 11:33, “Nahabag si Jesus at nabagabag ang kanyang kalooban nang makita niyang umiiyak si Maria.” At sa verse 35, sinabing tumangis si Jesus. Kahit alam Niya na mabubuhay muli si Lazarus, nakiramay muna Siya bago Niya tinawag si Lazarus palabas ng libingan nito.

Kapag may kakilala tayong nag-open up sa atin, ’wag sana natin maging first instinct ang mag-lecture. Tulad ni Jesus, makinig muna tayo at iparamdam ang pag-unawa at pakikiramay natin. Madalas, mas ito ang kailangan ng ating kausap kaysa sa anumang advice na puwede nating ibigay.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, tulungan po Ninyo akong maging source of comfort ng mga mahal ko sa buhay sa panahon ng kanilang kalungkutan o kahirapan.

APPLICATION

Kapag may nag-share sa iyo ng kanilang pinagdaraanan, iwasang magbigay ng advice kung hindi naman niya ito hiningi. Listen quietly and attentively first, and then offer to pray for him or her instead.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 11 =