17
SEPTEMBER 2025
Malapit Ka na Bang Sumuko?
Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
1 Pedro 5:7
Nakapanood ka na ba ng action movie na gawa noong 1980s? Uso noon na kapag na-trap ang bida, sisigawan siya ng kalaban nang “Sumuko ka na! Napapaligiran ka na namin!” (with matching echo pa).
Sometimes in life, it feels like bida ka sa isang ’80s action movie, pero mga problema ang mga kalaban na nakapaligid sa iyo. Secretly, gusto mo nang sumuko pero ayaw mo lang aminin dahil sa stigma. Mahihina lang ang sumusuko, hindi ba?
So you continue to fight. Hahanapan mo ng solusyon ang mga problema mo nang paisa-isa. But what do you do kapag sobrang hirap na? Alam ni Lord na sa mundong ito, we will experience many difficulties. Kaya nga kung ano ang dami ng trials na puwede nating mapagdaanan, mas marami naman ang assurances ni Lord na hindi Niya tayo pababayaan. He doesn’t want us to carry our burdens alone. Gusto Niyang ipaubaya at isuko natin sa Kanya ang mga problema natin because despite our best efforts, a solution is not guaranteed because we’re human. We have our limitations. Despite our best efforts, we don’t hold our future in our hands.
Why don’t you let go of your burdens? Sumuko ka na at sabihing: “Lord, hindi ko na kaya na mag-isa. Kailangan ko ang tulong Ninyo. Take over. Kayo na po ang bahala.” It will take you closer to a solution and bring you peace that surpasses all understanding.
LET’S PRAY
Lord, even if it looks impossible, I will believe that this difficult time will end. I will believe that Your grace and Your favor will see me through this. Isusuko ko ang problemang ito sa Inyo. Alam kong hindi N’yo ako pababayaan for You are my Lord and my Father.
APPLICATION
Nahihirapan ka bang isuko sa Panginoon ang problema mo? Read these additional verses and be assured na hindi ka Niya pababayaan.
SHARE THIS QUOTE
