30

JULY 2024

Malaya Ka Na!

by | 202407, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Edwin D. Arceo

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa’t isa sa diwa ng pag-ibig.

Mga Taga-Galacia 5:13

Sa bansang Amerika, napaka-importante ng personal freedom. Proud na proud sila na matawag na “Land of the Free.” Subalit kaakibat ng kalayaang ito ang pagkakaroon ng responsibilidad, isang bagay na unti-unti nang nakakalimutan ng maraming tao.

Importante rin ang personal freedom sa ating mga Pilipino. Kapag nasa hustong edad na tayo, ayaw na nating may nangingialam sa decisions natin. Karapatan mo naman ito at walang dapat umagaw ng karapatang iyan sa iyo. Pero iba na ang usapan kapag tayo ay nakay Jesus na.

Our freedom from sin and its consequences was paid for with a price. It was through the blood of Jesus that we were set free from the law of sin and death (Romans 8:2; Revelations 1:5). Kaya marapat lamang na bigyan natin ng halaga ang dugong ibinayad ni Jesus para sa ating mga kasalanan.

Ang pag-ibig ni Cristo sa atin ay hindi isang lisensya para gumawa ng kasalanan. Kahit na binigyan Niya tayo ng kalayaan para gawin ang nasa puso natin, isang malaking insulto sa Kanya kapag patuloy nating ginagawa ang isang bagay na alam natin ay isang kasalanan. It is as if we are crucifying Him again (Hebrews 6:6).

Huwag nating isipin na dahil tinanggap natin si Jesus bilang ating Tagapagligtas at Panginoon ay kokontrolin na Niya tayo. No! God has given us the freedom to do what we want, pero gaya ng paalala ng Galatians 5:13, we are not to use our freedom to do anything that is sinful. Mahal tayo ni Jesus at ang gusto Niya ay mamuhay tayong naglilingkod sa isa’t isa sa diwa ng pag-ibig at nakikita ang bunga ng Espiritu sa ating buhay (Mga Taga-Galacia 5:22-23). Iyan ang makakapagbigay ng papuri sa Kanya. At iyan din ang buhay na tunay na malaya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, salamat sa kalayaan na ibinigay Mo sa amin when You gave Your life for us. Help us to honor You by not committing any sin anymore.

APPLICATION

Think about the things in your life that are not honoring God. Bigyang halaga mo ang dugong ibinayad ni Jesus para sa iyong mga kasalanan. Humbly receive His forgiveness and commit to living a life free of sin.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 14 =