10
JANUARY 2026
Maliit Lang Naman
“Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito’y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya’t nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”
Mateo 13:32
Barado na naman ang lababo ni Anna. At eto na naman ang kanyang asawang pilit na nagtutubero to fix the problem. “Paano makakabara ang mga maliliit na tira-tirang kanin at ulam, eh ang laki naman ng butas ng drainage ng tubig?” reklamo ni Anna sa asawa. “Ang mga maliliit, kapag ‘di agad natanggal, namumuo at bumabara. It’s the little things,” sagot ni Fred.
Napaisip si Anna, “Hmmm, malalim ‘yun ah,” aniya. “Oo, malalim ang susungkitin ko para matanggal ang bara!” sagot ni Fred. Sa gitna ng huntahan ng mag-asawa, nagkaroon ng revelation si Anna. May mga maliliit na bagay — small actions or habits — na kapag hindi nga naman inayos agad, get out of hand. Ang maliit na upos ng sigarilyo, kapag dumikit sa combustible materials at hinipan ng hangin, ay nakakasunog ng bahay. Ang mga malalaking pagkakasala, gaya ng adultery, or murder, ay hindi nangyayari overnight. Nagsisimula ang mga ito sa small harmless actions and wrong ideas na binalik-balikan, inulit-ulit, hanggang sa pinaniwalaan na ito ay tama at pinagtibay ng maling pangangatwiran.
On the other hand, we can start good habits that will definitely bear good fruit. Nakasaad sa Bible, “Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno” (Mateo 7:18). Ang sarap kayang umani ng matamis ng prutas! At mababasa pa sa Mateo 13:32, “Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito’y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya’t nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito.” Lalong mas masarap ang maging isang matibay na punong nagbibigay-lilim at nagsisilbi sa marami! So what’s your choice?
LET’S PRAY
Panginoon, nananalangin po kami, gamit ang Inyong Banal sa Salita. Sinasabayan po namin ang panalangin ni David sa Awit 51:10 “Isang pusong tapat sa aki’y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.” Linisin po Ninyo ang aming puso, tanggalin po Ninyo ang mga bumabara na pumipigil sa aming sundin ang Inyong kalooban. Patuloy po Ninyo kaming baguhin. In Jesus’ name, we pray. Amen.
APPLICATION
Meron ba tayong ’di mabubuting habits na kailangang tanggalin? Seek help from someone who can help you stay committed in turning away from these bad habits. I-click ang icon na Chat With Us para maka-chat ng live ang ating prayer counselors.
SHARE THIS QUOTE
