12
OCTOBER 2025
Mamamatay Na Yata Ako
May mga topic na ayaw nating pag-usapan, pero hindi natin maiiwasan. Gaya ng tema ng ating devotion ngayon. Welcome to our short series, “Pag-usapan Natin.”
Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag? Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan. Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo’y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
1 Mga Taga-Corinto 15:55-57
“Mamamatay na yata ako,” ang sabi ni Boying sa kaibigan. “Uy, huwag kang magsalita ng ganyan, ano ka ba!” sagot ni Roy. Pero teka, bakit nga ba parang bawal pag-usapan ang kamatayan? Lahat naman tayo ay mamamatay, hindi nga lang natin alam kung kailan o papaano. But here’s the good news. Basahin natin ang 1 Mga Taga-Corinto 15:55: “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”
Bakit ba parang the writer of this verse seemed to be unafraid of death? Para ngang tinutuya pa ni Apostle Paul ang kamatayan. Like he’s saying, “You can’t defeat me, death! Hindi ako takot sa iyo!” He continues in verse 56: “Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.” Sin, he says, comes from disobeying the Law. At kapalit ng kasalanan ay ang eternal punishment in hell. Yes, the idea of death is most horrifying because we all have sinned. But then Paul does not stop there. In verse 57 he delivers the greatest news of all time, “Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo’y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!” So wait a minute — pinawalang-bisa na pala ni Jesus ang kamandag ng kasalanan! Inako na ni Jesus ang lahat ng ating kasalanan, He suffered death for all of us, and when He resurrected, sin no longer has any power over us.
Napaka-simple ba? Too good to be true? Yes, He is too good and yes, He is the Truth!
Ituloy natin bukas ang usapan tungkol sa mahalagang bagay na ito. And let us not fear, for God’s Word always brings comfort and encouragement. Kaya kita-kits!
LET’S PRAY
Panginoong Jesu-Cristo, buksan po Ninyo ang aming isipan para maunawaan namin ang Inyong Salita, at ang katotohanan ng Inyong mga pangako. Kahit hindi pa masyadong malinaw ang aming pagkaintindi ay tinatanggap po namin ang kaligtasang handog Mo. We believe that You are God, and that You died for us, to erase all our sins, past, present, and future — that we may inherit eternal life. Grant us supernatural understanding of this simple truth, that we may truly say, “Death has no sting over me!” In Your precious name we pray, Amen.
APPLICATION
If you still have questions about this biblical truth about salvation through Jesus, call a Christian friend at huwag matakot magtanong.
SHARE THIS QUOTE
