7

AUGUST 2025

Mas Malaki ang Diyos sa Kahit Anong Problema

by | 202508, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Olga Vivero

“Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Juan 16:33

Tatlong magkakaibigan ang nagkita-kita for their barkada reunion. Namumroblema ang isa dahil na-hack ang kanyang cellphone at inubos ng hacker ang halos isang milyon niyang savings. Ang sabi naman ng isa, her problem is bigger. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga kakilala na her wedding is off because her boyfriend of 10 years cheated on her. The third woman looked at both of them with compassion. The two looked back at her and thought to themselves, “Buti pa siya, walang problema.” What they didn’t know is that she just came from the doctor na nagsabi sa kanyang bumalik ang cancer niya. This time, it’s worse.

Sino nga ba sa tatlo ang may pinakamalaking problema? No one knows. Pero bakit kaya nagagawa pa rin ng ikatlong babae ang ngumiti? It’s because despite her seemingly impossible situation, she has put her hope in Jesus.

Normal sa buhay ng tao ang problema. Everyone has them. Pero hindi ipinangako ng Diyos na when we have Him in our lives, we would have immunity to problems. But He promised in John 16:33 na He has already overcome the world.

Anuman ang problema mo, take heart. God is bigger than it. In His name, every impossibility becomes a possibility. Dumaan man tayo sa pagsubok, we can be assured of victory because our God who is with us has already overcome everything that will ever come our way.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for assuring me that I can go through trials and not feel defeated because You have already overcome the world. Bigyan N’yo po ako ng peace, hope, at faith para malabanan ang anumang pagsubok ng buhay. I trust in You alone. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Get your journal and write down the challenges you are going through right now. Then, write down God’s promises for those problems. Allow the Holy Spirit to guide you as you continue to trust in His ever-present help.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 15 =