22

APRIL 2021

Matulog Ka Na

by | 202104, Devotionals, Rest

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Albino Sadia & Written by Thelma A. Alngog

Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagka’t ikaw, Yahweh ang nag-iingat sa akin.

Mga Awit 4:8

Noong April 22, 2019, isang 6.1 magnitude na earthquake ang naranasan ng Luzon, pero ang pinakatinamaan ay ang probinsya ng Pampanga. Marami ang namatay at nasaktan, lalo na ng mag-collapse ang isang supermarket sa Porac, Pampanga. Kaya laking pasasalamat ng mga rescuer nang may nailigtas silang walong tao mula sa bumagsak na building. Kasama dito ang isang babaeng nagtratrabaho sa supermarket na iyon. Maraming rescuers ang nagtulong-tulong upang iligtas ang mga natabunan sanhi ng lindol.

Malamang ay mahihirapan tayong magpuri at magpasalamat sa Diyos kapag niyayanig na tayo ng ganitong klaseng trahedya. Takot na marahil ang mararamdaman natin. Magagawa mo pa bang magpasalamat sa Diyos kapag nagbabagsakan na ang malalaking sementong pader? Kaya mo pa bang makatulog nang mahimbing kung sa iyo nangyari ang ganitong sitwasyon?

Hindi man natabunan ng mga bato si David dahil sa lindol, pero maraming beses na nanganib ang kanyang buhay. Bukod sa tinugis siya ni Haring Saul, marami ring taga-ibang lahi na kumalaban sa kanya. Ngunit sa bawat pagkakataon, naranasan ni David ang pag-iingat ng Diyos. Sa bawat kagipitan, tumawag Siya sa Diyos na kanyang kalasag (Mga Awit 4:1). At dahil subok na ni David na lagi siyang tinutulungan at kinakahabagan ng Diyos, nasabi niya, “Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin” (Mga Awit 4:6).

Maaaring may maranasan kang lindol, bagyo, at iba pang trahedya. Pero huwag kang magpatalo sa takot. Ang Panginoon lamang ang makakapagpanatili sa iyong ligtas. Siya ang iyong kalasag. Kung hindi ka makatulog at gulo pa ang isip, magpahinga ka sa Panginoon, kapatid. Pumanatag ka dahil ang mahimbing na pagtulog ay hindi Niya sa iyo ipagkakait. Iingatan ka Niya sa iyong pagtulog kaya huwag kang mangamba. Halika, lumapit tayo kay Jesus at manalangin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You sapagkat Kayo lamang, Panginoong Jesus, ang nagpapatahan at nagpapatiwasay sa amin kapag kami ay nangangamba. Thank You dahil pinapanatili Ninyo kaming ligtas mula paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi

APPLICATION

Kung hindi ka makatulog, try reading Psalm 4 and any other chapters from the book of Psalms. If you find a prayer while reading the Psalms, pray it from your heart.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 15 =