16

NOVEMBER 2025

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Napaparangalan ang aking Ama kung kayo’y masaganang nagbubunga bilang aking mga alagad.

Juan 15:8

Pauwi na si Edna. Naalala niya ang bilin ng kanyang asawa na kung merong mapitas, mag-uwi sana siya ng siling labuyo. In the park’s garden, Edna already spotted four sili plants that she regularly checks for fruit. Halos magkatabi ang dalawa, medyo challenging lumapit dahil may pugad ng langgam, pero ‘yun ang una niyang pinuntahan. Unfortunately, madalang ang bunga at bubot pa. Nainis si Edna kasi di na nga madali puntahan ang halaman tapos dalawa pa silang magkatabi, pero di rin kasiya-siya ang resulta. Ang sunod na nilapitan niya ay isang halamang nasa lilim ng isang puno. Noong una, akala ni Edna walang bunga, but when she looked closer, may iilang ready to pick na. She just needed to make an extra effort at searching kasi medyo madilim. 

Because the first three plants did not yield much harvest, handa na si Edna na ma-disappoint sa pang-apat na halaman. But she was mistaken! Malayo pa lang napansin na niya ang ilang mapupulang bunga na parang nag-aanyaya kay Edna na pumitas! Napangiti siya! Nasurprise din siya kasi ngayon lang niya nakitang hitik ito sa bunga. Tuwang-tuwa si Edna. Habang pinipitas ang bunga, di niya mapigilang purihin ito, “Wow, ang dami!” She forgot her earlier frustration and said aloud, “Salamat ha, sili, sa bigay mong ani. Matutuwa ang mister ko. Purihin ka, Panginoon! Tagapaglikha ka talaga!”

That morning, maraming napulot na aral si Edna. Pare-parehong halaman, iba’t iba ang kalagayan at ang ani. Ang inaakala mong may bunga, wala pala; at ang inaakala mong walang bunga, meron. Lahat ng halaman umaasa sa Manlilikha para mamunga. At para sa nag-aani, malaking bagay ang magkaroon ng masaganang ani. Ganito rin kaya ang pakiramdam ng ating Manlilikha sa tuwing masagana tayong namumunga bilang Kanyang mga alagad? Ikagagalak kaya Niya ang Kanyang madadatnan sa buhay natin kapag oras na ng tag-ani?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I need You to live a fruitful and purposeful life. Kailangan ko po ng wisdom at tulong Ninyo. Point me to those who can guide me and grant me a teachable heart. Amen.

APPLICATION

Basahin ang John 15. Prayerfully reflect on the fruits of your life. Which ones are temporary? Which ones are everlasting? Think of ways to develop fruits that last and schedule regular time for it.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 14 =