22
NOVEMBER 2025
May Chance nga ba sa Game of Chance?
Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.
Mga Kawikaan 13:11
Likas sa tao ang gustong manalo ng easy money, kaya naman napakalaking industriya ang sugal saan mang panig ng mundo. Nagkalat ang billboards at contents from small-time content creators hanggang sa bigating celebs. Very accessible na rin ang gambling lalo na sa online kaya maeengganyo ka talaga to “take your chance.” Malay mo, palarin ka. Sinamahan pa ito ng kali-kaliwang online lending apps na sobrang bilis ang approval at easy ang requirements.
Despite being legalized at sa likod ng successful and glamorous stories, maraming untold stories kung gaano ka-harmful ang sugal sa bawat pamilya, sa bawat indibidwal na nalululong dito. Viral sa social media ang story ng misis ng isang seaman na nalustay ang 2 million pesos na ipon para sa bahay sana. Naengganyo habang nananalo, umaasa sa another big win. Nang matalo, siyempre gustong bumawi pero ang resulta, nawala na ang ipon, nabaon pa sa utang.
Walang problema kung gusto nating lumago ang pera natin, what’s harmful is if we become greedy in the process. The love of money is the root of all kinds of evil (1 Timothy 6:10).
Pero paano kung nandoon na tayo sa gitna na unti-unti nang nasisira ang buhay natin dahil sa sugal?
There is still time to go back. May hope kay Jesus. May consequences ang ating actions, pero si Lord ang tutulong sa atin para mapagtagumpayan ito. May mga gagamitin din siyang tao para tulungan tayong makaahon.
So instead na umasa sa game of chance, i-avail natin ang redeeming chance na binibigay ni Lord. Now na!
LET’S PRAY
Dear Jesus, I need Your saving grace. I made irrational financial decisions dahil gusto ko po ng instant gratification. I am deep in debts and I don’t know what to do. Please forgive me dahil naging greedy ako. Kailangan ko po Kayo.
APPLICATION
Are you anxious and sleepless because of multiple debts? Kailangan mo ba ng makakausap? You can call 8-737-0-700 or text 0919-060-7567. CBN Asia Prayer Center is here 24/7 to listen to you and pray for you.
SHARE THIS QUOTE
