14

MARCH 2026

May Correct Way of Praying Ba?

by | 202603, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Joshene Bersales

Nawa’y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Awit 19:14

May video ng isang binatang rapper ang nag-viral sa internet. Sinabihan siya ng kanyang tatay na ipagdasal ang pagkain nila. Nang sinimulan niya ang kanyang prayer ng salitang “Yo,” napatitig nang masama ang tatay niya sa kanya. Pilit namang nagpigil ng tawa ang ibang kapamilya nila. Pero patuloy lang na nag-pray ang binata, gamit ang mga salitang madalas gamitin sa rap songs.  

Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens sa video. Maraming natawa sa hitsura ng tatay. Pero meron ding mga nagsabi na siguradong masayang pinakinggan ni Jesus ang panalangin ng binatang ito. 

Nang tinanong ng disciples si Jesus kung paano ang tamang panalangin, tinuruan Niya sila ng The Lord’s Prayer (Mateo 6:913). May simple itong pattern na hanggang ngayon, ginagamit pa rin ng maraming tao bilang guide sa kani-kanilang panalangin.

Pero hindi ibig sabihin, wala nang ibang paraan ng pagdarasal. Nang itinuro ni Jesus ang The Lord’s Prayer, hindi naman Niya ito ginawa para ikahon ang disciples sa isang “correct” way of praying. After all, sinabi Niya sa parehong chapter, “Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari” (v. 5) at “Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan” (v. 7). Ibig sabihin, kung hindi sincere ang puso natin, balewala kahit kabisado at paulit-ulit pa nating i-recite ang The Lord’s Prayer.

So paano ba ang “correct” way of praying? More than the words used, mas mahalaga ang sincerity ng ating puso at isipan. Mas titingnan kasi ni Lord kung talaga bang gusto nating makipag-usap sa Kanya. Kung excited tayong nagpasalamat sa mga ginawa Niya para sa atin. Kung buong pagpapakumbaba tayong humihingi ng tawad at tulong sa Kanya. At kung ganito nga tayo mag-pray, malugod Siyang makikinig, gumamit man tayo ng formal or informal na pananalita.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, salamat dahil mas nakapokus Ka sa laman ng aking puso kaysa sa mga salitang ginagamit ko. Tulungan Mo akong laging maging sincere ang aking mga panalangin. Amen.

APPLICATION

Sumulat ng sarili mong version ng Lord’s Prayer. Hindi kailangang maging strict sa pattern ng prayer na ito. Instead, mag-focus sa gustong sabihin ng puso mo kay Lord.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 4 =