28
APRIL 2025
May Pag-Asa Pa Ba?

What gives man a reason to live? Let our series today show us the answer. Welcome to our new series “Pag-asang Panghabambuhay.”
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Mga Taga-Roma 15:13
We live in troubled times. There are wars and impending wars between countries. May mga bansang pinamumunuan ng diktador. Sa sariling bayan natin, talamak di-umano ang corruption sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Hindi na makaraos sa hirap ang napakaraming mahihirap while the wealthy get richer and more powerful. Lately, maraming young people ang nagkakaroon ng struggle sa mental health issues. Personally, meron ka rin sigurong mabigat and very discouraging na pinagdadaanan.
“May pag-asa pa ba?” Hindi natin maiwasang itanong ito during dark and difficult days. Yes, may pag-asa! In fact, posibleng mag-umapaw ang pag-asa, even in the midst of suffering. In his letter to the Roman Christians who are suffering because of their faith, ipinaalala sa kanila ni Paul na ang Diyos ang “siyang bukal ng pag-asa.” Naranasan mo na bang uminom mula sa isang bukal? Tuloy-tuloy ang agos at hindi nauubos ang malamig nitong tubig. Higit pa diyan ang pag-asang pinagkakaloob ng Diyos to those whose faith is anchored in the risen Christ. And this hope comes with joy and peace for those who believe.
“May pag-asa pa ba?” Yes, at posibleng mag-umapaw ang pag-asa sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Paul prayed this for the Roman Christians because he believed in the power of the Holy Spirit who indwells everyone whose faith is in Christ.
Kaibigan, kung pakiramdam mo ay walang pag-asang maaasahan sa mundong ito, bakit hindi mo subukang tumawag ngayon sa Diyos na Siyang bukal ng pag-asa? Hilingin mo na puspusin ka ng Kanyang pag-ibig at presensya. Manampalataya ka sa Kanyang Anak na si JesuCristo. And let the Holy Spirit fill your heart. Gawin mong panalangin ang prayer ni Paul sa Roma 15:13.
Anuman ang inyong pinagdadaanan, huwag kayong mawalan ng pag-asa. Si Jesus ang ating pag-asa. We hope you’ll join us again tomorrow para sa pagpapatuloy ng ating series “Pag-asang Panghabambuhay.”
LET’S PRAY
O Diyos na Siyang bukal ng pag-asa, puspusin po Ninyo ako. Bigyan po Ninyo ako ng pananampalataya at pagkalooban ng kagalakan at kapayapaan. By the power of the Holy Spirit, let hope overflow from my heart and grant me strength to overcome the challenges each day brings.
APPLICATION
Google Bible verses that mention the word “hope.” Pumili ng one or two verses na puwede mong aralin nang mas malalim. Let the Word of God speak hope to your heart.
SHARE THIS QUOTE
