2

DECEMBER 2025

Mayaman Ka Na Siguro

by | Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by PMVClapano

Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila.

Awit 37:7

“Mayaman ka na siguro, ano?” linyahan ng mga marites na kapitbahay at kamag-anak ni Lea. Madalas, she feels pressured sa tanong nila dahil nakikita niyang successful na ang mga kasing-edad niya while she’s only just starting a small food business. Dagdag pa sa frustration niya ay ang expectation na kailangang mabawi kaagad niya ang nilabas na pera sa maliit na negosyo. Nasabi niya tuloy minsan, “Mabuti pa scammers, hindi na kailangan magbanat ng buto, kumikita na sa panloloko.”

Some of us might relate with Lea. Siguro may hinihintay tayong opportunity sa work na until now ay wala pa tapos nakikita natin yung iba na umaangat na. Siguro may malaki tayong utang na binabayaran tapos yung iba nakikita natin na nananalo sa online sugal. Siguro may mga bagay tayong pinagpe-pray na until now wala pa tapos yung iba puro answered prayer sa posts nila.

While it is essential to acknowledge our disappointments and frustrations in life, these things should not define us. Hindi ito ang basehan ng halaga natin sa harap ni Lord. Regardless of where we are right now, God is reminding us to hope in Him and to trust His ways (Romans 8:25).

If there are people succeeding dahil sa panlalamang sa kapwa, huwag tayong mainggit sa kanila. God said in Revelation 21:8, may kaparusahan ang kanilang ginagawa.

Kung naiinip ka na sa paghihintay, konting tiis pa, darating din ang answer sa prayer mo. Let us hope in Jesus. Let’s trust that He blesses the works of our hands. Sa trabaho man yan, sa negosyo, sa pangarap para sa pamilya o sa sarili, let us do the right thing while waiting.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, tulungan Mo po akong gawin ang tama habang naghihintay. Thank You for reminding me na gusto Mo akong i-bless. I pray na huwag po akong maiinggit sa iba na gumagawa ng mali para lang makuha ang gusto nila. I am excited and I’m looking forward sa mga gagawin Mong miracles sa buhay ko. Thank You, Jesus.

APPLICATION

Are you tired of waiting for something to happen in your life? Read Psalm 37 and be encouraged.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 3 =